top of page
SHEET - MGA ARTISTANG NAG-EENDORSO NG ONLINE GAMBLING, ‘DI NAGLALARO-IG _ogie_diaz.jpg

Virgin pa raw sa edad na 37… DONITA AT MISTER, NAG-LIVE-IN NA PERO 'DI NAGSE-SEX

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 28, 2022
  • 1 min read

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | September 28, 2022



Ikinasal na nga sina Donita Rose at Felson Palad sa USA.


Mas matanda ang aktres sa guy, pero hindi 'yun naging hadlang para hindi sila magkatuluyan.


Ang anak ni Donita ang naghatid sa kanya sa altar. Sa ex-husband niya nakatira ang anak nila kaya twice a week lang nasa kanya, kung saan sa Amerika rin ito nakabase.


Sabi nga ng former VJ-actress, “Surely your goodness and unfailing love will follow me all the days of my life, and I will dwell in the house of the LORD forever."


Sey naman ng hubby ni Donita, “Finally, I’m no longer a virgin, it took 37 years.”


Maraming netizens ang napa-react sa tinuran ni Palad. Nagtaasan ang kilay ng mga Marites at Mosang.


May nagkuwento raw kasi na iisang apartment ang tinitirhan ng dalawa sa Orange City. Kahit daw pala nagse-share sa isang apartment ang magkarelasyon ay walang naganap na pagniniig sa pagitan nila.


Talagang iginalang daw ni Felson ang kanyang nobya hangga't hindi sila naikakasal.


Hmmm…. Sabagay, parehong Christian ang mag-asawa.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page