Viral sa socmed, todo-explain… ATOM, IDINAWIT SA PAGPATAY KAY NINOY
ni Julie Bonifacio - @Winner | October 26, 2022

Trending ang Kapuso newscaster na si Atom Araullo sa Twitter kahapon.
Nag-viral si Atom pagkatapos lumutang ang tsika sa socmed kung saan kinuha ng kanyang mga magulang ang kanyang pangalan.
Hindi na nakatiis si Atom kaya may-I-explain siya sa kanyang socmed kung bakit at saan kinuha ng kanyang mga magulang ang name niya.
Tweet ni Atom, “Utang na loob, itigil n'yo na 'yung teoryang ipinangalan ako sa August Twenty One Movement o ATOM. Pinaslang po si Ninoy noong Aug. 21, 1983. Ipinanganak ako noong 1982 (ayan, age reveal tuloy). Ang Atom po ay kombinasyon ng Alfonso at Tomas na pangalan ng dalawa kong lolong astig.”
Sinundan pa ni Atom ng isang tweet ang kanyang paliwanag.
“Nakakatawa na ang dami-daming naniniwala diyan, at ginagamit na pruweba ng umano’y secret political agenda ko (gasp). Never thought I’d need to explain this, but here we are.
#Disinformation is real. Learning poverty is real. Anyway, sana masarap ang mga ulam ninyo ngayon.”
Paglabas ng pa-age reveal ni Atom, naaliw naman ang kanyang mga fans/followers.
“So u're 39!!? Damn I look more 39 than u are.”
“OMG Atom is already 40 yrs. old?? Here I was thinking he’s still in his early 30s. Good men really age like a fine wine!!”
Tuloy, napag-isip-isip ni Atom ang ginawa niyang age reveal.
“Shucks, baka ang agenda lang pala nila, ipa-age reveal ako. I’ve been played! Curses!”
Natuwa naman kami nu’ng mag-post ng comment sa tweet ni Atom ang dating kasamahan niya sa ABS-CBN News & Current Affairs na si Jeff Canoy.
Comment-post ni Jeff, “'Yan ang agenda ko…” na sinagot ni Atom, “Sabi na ikaw utak nito, eh.”
'Yun na.





Comments