top of page
Alex Eala at Sandro Marcos - FB.jpg

VIP treatment daw, pinalagan… ATASHA, ‘DI NAG-AUDITION, BIDA AGAD SA STAGE PLAY

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 11
  • 2 min read

ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | July 11, 2026



SHEET - ATASHA, ‘DI NAG-AUDITION, BIDA AGAD SA STAGE PLAY IG _atashamuhlach

Photo: IG _atashamuhlach


Kinuwestyon ni Rachel Libres, isa sa mga auditionees sa Bongga Ka ‘Day: The Annie Batungbakal Musical (BKDTABM), kung bakit si Atasha Muhlach ang title role gayung hindi niya ito nakitang nag-audition. 


Marahil ay hindi nabasa kaya hindi aware si Rachel na matagal nang inanunsiyo ng Viva Entertainment na si Atasha ang gaganap sa title role.


Kung hindi kami nagkakamali, nabanggit na ito ng Viva executive noong nanood kami ng opening day ng Bagets musical play sa Newport World Resorts, kung saan si Andres Muhlach ang title role.


As early as June 17, 2026 ay alam na ni Atasha na siya ang gaganap kaya inamin niyang kabado siya at pinag-aaralan talaga ang kanyang role sa musical na hango sa mga iconic hits ng bandang Hotdog.


Anyway, nag-post si Rachel sa website ng Newport World Resorts.

Pahayag niya, “Hi! No hate po. Respectfully, I was there during the two-day casting process, and I didn’t see Atasha in either day’s auditions.


“Kaya sana, ‘wag din nating i-disregard ang effort at hirap ng lahat ng pumila, naghintay, kumanta, at sumayaw para mabigyan ng pagkakataon.


“Kung may nangyaring hiwalay na audition o private casting, ibang usapan na ‘yun. Pero base sa mismong open auditions na dinaluhan ko, wala s’ya ru’n.”


May punto naman talaga si Rachel. Naka-ilang audition na kaya siya kaya dapat alam niya na minsan ay tinatawag ang mga auditionee para sa isang general audition o open audition, kung saan kumakanta sila ng piyesang may ibang istilo o katangian upang maipakita ang lawak ng kanilang kakayahan sa pag-awit at pag-arte nang walang partikular na karakter na pinag-iisipan. 


Sa callback, itatalaga sila ng direktor o producer upang basahin ang mga linya para sa mga tiyak na karakter.





PARA sa amin, kapag may mga sensitibong eksena ang isang programa at ipinatawag ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang production team ay hudyat na magtatagal ito sa ere.


Ganito kasi ang nangyari noon sa mga programang FPJ’s Ang Probinsyano (AP) na pinag-report sa opisina noong 2018 at FPJ’s Batang Quiapo (BQ) na ipinatawag nang dalawang beses noong 2025 at 2026.


At heto ang Sigabo na ilang linggo pa lang umeere ay ipinatawag na rin agad ng MTRCB ang buong team bilang bahagi ng kanilang ‘Responsableng Paggabay’.

Nakatanggap daw ang ahensiya ng mga reklamo na sobrang karahasan ang mga eksena. 


Nabanggit ng MTRCB nitong Hulyo 7 na magkakaroon ng compliance seminar para sa mga producers at representative ng serye.


Ayon kay MTRCB Chairperson Lala Sotto, “The Board’s goal is to support the television industry in the development of engaging, socially relevant, and world-class programs while being mindful of their impact on viewers, especially children.”


Positibo naman itong tinanggap ng CCM Film Productions ni Coco Martin.

Labis na nagpapasalamat ang buong production team ng Sigabo sa pagbibigay ng pagkakataon para mas maunawaan ang mga pamantayan at nangako sa mas responsableng paggawa ng content na napapanood sa telebisyon.


Ipinagdiinan din ng MTRCB ang patuloy na pagpapatupad ng mandato nito sa responsible regulation ng media sa pamamagitan ng paggabay at pakikipagtulungan sa mga content creators upang maprotektahan ang kapakanan ng mga manonood.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page