VILMA, PASOK SA MMFF 2023, BINATIKOS NG MGA NORANIANS
- BULGAR
- Oct 21, 2023
- 1 min read
ni Ambet Nabus @Let's See | October 21, 2023

Tuwang-tuwa ang mga Vilmates dahil magiging bisita ng It's Your Lucky Day ang idol-friend kumare nating si Ate Vi sa Star for All Reasons segment ng pinag-uusapang reliever show ng It's Showtime.
Lulusob at talagang kakaririn din ng mga kapwa Vilmates ang studio ng It's Your Lucky Day dahil in high heaven pa ang lahat dahil nga sa good news ng MMFF 2023.
"Naku, kailangang makapagplano na para sa When I Met You in Tokyo," sey ng mga ka-chat namin sa group chat ng mga VILMATES.
Nakakatuwa talagang maramdaman ang solid support ng mga maka-Vilma Santos. Imagine, since the 70's, nandiyan pa rin sila at aktibo.
Kaya naman isang saway lang sa kanila ni Ate Vi ay nakikinig ang lahat dahil "kaibigan at kapamilya" na kung ituring sila ng Star for All Seasons.

Sa totoo lang, since maianunsiyo nga ang pagpasok ng When I Met You in Tokyo (at nag-number one siya sa ranking among the six final/official entries, huh?), inulan ng batikos ng ilang Noranians si Ate Vi kaya't ipinagtanggol naman ng mga Vilmanians.
Inunawa 'yun ni Ate Vi at pinagsabihan nga nito ang mga kapwa Vilmates na huwag nang palakihin pa ang isyu at hayaan na lang ang mga ito.
Truly a magnanimous act and so kind of Ate Vi talaga. Lalo lang naming napapatunayang nag-iisa ang Vilma Santos sa trono niya bilang pinakapropesyonal, committed artist, legend-icon at higit sa lahat, totoong idolo at TAO!





Comments