top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

VILMA, NAAKSIDENTE HABANG NAGBA-VLOG

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 12, 2023
1 min read

ni Nitz Miralles @Bida | January 12, 2023




Nagkaroon pala ng minor accident si Vilma Santos habang nagba-vlog. Nadapa si Vilma habang nag-i-intro na naglalakad.


Nagsasalita siya kaya sa camera nakatingin at hindi napansin na hindi pantay ang lupang nilalakaran niya kaya nawalan siya ng balanse at natumba.


Pero, hindi naging dahilan ang minor accident na ‘yun, itinuloy pa rin ni Vilma ang kanyang pagba-vlog at sa sumunod na eksena ay tumalon pa.


Nangyari ito sa family get-together nila sa Punta Fuego sa Batangas noong New Year.


Wala naman sigurong major fracture sa katawan ni Vilma dahil itinuloy pa rin ang celebration nila ng kanyang pamilya at ang saya-saya pa nga nila at nagsasayawan pa.


And speaking of Vilma, tuwang-tuwa ito na isa na siyang lola at lalong natuwa nang malamang bine-breastfeed ni Jessy Mendiola ang anak nila ni Luis Manzano.


Happy din si Vilma na kasama ang pangalan niya sa name ni Baby Isabella Rose.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page