Vilma, bina-bash dahil sa National Artist nomination.. NORA SA MGA NORANIANS: SHUT UP!!!

ni Ambet Nabus @Let's See | July 5, 2024

Nakatanggap kami ng mensahe mula sa isang matalik na kaibigan na avid Noranian.
Ibinahagi nito sa amin ang diumano’y mensahe ni Nora Aunor sa kanyang mga supporters na nakikipagbardagulan sa mga kapwa Vilmanians hinggil pa rin sa usaping National Artist ni Vilma Santos-Recto.
Napakalaking isyu kasi para sa mga Noranians ang kontrahin, harangin o pintasan ang ginawang nominasyon ng AKTOR PH at iba pang mga grupo na nag-endorse kay Ate Vi.
Laman daw ng mensahe ni Ate Guy, “Sana ‘wag kayong magagalit sa Ate Guy ninyo. Ramdam ko kayong lahat na nagtatanggol, nagmamalasakit at nagmamahal sa ‘kin. Sa ngayon, ako na ang nakikiusap sa inyo. HUWAG NA PO KAYONG MAGSALITA, HUWAG NA PO KAYONG MAGKOMENTO. Hindi sila titigil kapag hindi kayo tumigil, mahirap dahil mga kapwa-artista ang mismong nagtatanggol sa kanila. Hayaan n’yo na, karapatan nila ‘yun.”
Well, need we say more? Sana nga ay makinig kay Nora Aunor ang mga supporters niya lalo na ‘yung mga kung anu-ano na lang ang ibinabato kay Ate Vi at mga supporters din nito.
O ayan, ha, ang Ate Guy na ninyo ang nagpapayo ng ganyan. Bigyan naman ninyo siya ng kahihiyan.
Oh, hayan ha, walang Jennylyn Mercado na lilipat sa ABS-CBN.
At kung totoo man o hindi na na-hack ang TikTok account ng asawa nitong si Dennis Trillo, mas marami ang naniniwalang out of character ni Dennis ang basta na lang magkomento ng pinag-usapang “May ABS pa ba?”
Nakakatawa nga ang naging sagot ng PR ng naturang kumpanya dahil talagang idinispley nito sa socmed (social media) accounts nila ang mga hunk bodies nina Piolo Pascual, Jericho Rosales, Gerald Anderson para ipakita ang mga hunk bodies na may bonggang “abs.”
As reported, pumirma nga uli ng kanilang mga respective contracts ang mag-asawang Luis Manzano at Jessy Mendiola.
Sinundan ito ng anunsiyong magbabalik-teleserye si Mega Sharon Cuneta at may susunod pang iba na hinuhulaan ng netizen na posibleng si Erich Gonzales.
Pero may mga nagsasabi namang hindi na ito kakailanganin pa ni Erich na sobrang komportable na ang buhay sa ngayon. Kaya mag-abang na lang tayo ng mga susunod pa.
HINDI pa man nagsisimula ang shooting ng movie ng MaThon (Maris Racal at Anthony Jennings), aba’y bongga na ang napapabalitang tie-in sponsors nito.
Bukod kasi sa inuming cola, may pumasok na bagong endorsement sina Maris at Anthony na Mang Inasal.
Kaya hindi pa raw nagsisimula ang shooting ng movie nila under Star Cinema na ididirek ni Jason Paul Laxamana, may sure earnings na ito.
Naging big hit ang tambalan ng dalawa sa Can’t Buy Me Love series though sa totoong buhay naman ay may kani-kanya silang love life.
FYI, boyfriend ni Maris si Rico Blanco habang may non-showbiz girlfriend naman si Anthony.
Pero ‘yun na nga, klik na klik at maganda ang chemistry nila on screen kaya’t sayang naman kung hindi nila ito pagkakitaan ‘noh! Kahit nga kami, sobrang kilig sa kanila, hahahaha!





Comments