top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Video sa waiter, in-upload… ALEX, NAPAHAMAK DAHIL SA UTOL NI JULIA NA SI DANI

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 22, 2023
1 min read

ni Beth Gelena @Bulgary Files | January 22, 2023




Hindi sukat-akalain ni Dani Barretto na malaki ang magiging impact sa publiko ng ginawa niyang pag-a-upload ng video ni Alex Gonzaga sa nakaraang 35th birthday nito.


Ito 'yung controversial video ng pagpapahid ni Alex ng icing ng cake sa mukha ng waiter na si Allan matapos niyang hipan ang kandila.


Masyado raw naapektuhan ang anak ni Marjorie Barretto sa kanyang ginawa nang kumalat ang video ni Alex.


Nilait-lait nang husto ang host ng Tropang LOL kaya nag-iiyak daw nang husto ang eldest sister ni Julia Barretto.


Sa ngayon ay wala pang statement si Dani hinggil sa kanyang nagawa at nalulungkot siya sa nangyari nang dahil sa simpleng video.


Sabi nga ni Ogie Diaz, “Inokray nang inokray na napakasagrado na sana nu'ng birthday na sana, walang nagko-cover dahil nagwawala ‘yung mga bisita. Dahil doon lang sila nakakakilos nang walang camera, lahat magkaka-close.”


Oo nga naman! Siguro nagi-guilty si Dani na dahil sa kanya, pinagpiyestahan ng buong bansa si Alex at kung anu-ano ang itinawag sa utol ni Toni Gonzaga.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page