top of page
BIDA - RURU, UMAMING NAG-CHEAT KAY BIANCA-G _rurumadrid8.jpg

Video kumalat… GERALD AT JULIA, HAPPY TOGETHER ULI SA PARTY

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 20
  • 3 min read

ni Nitz Miralles @Bida | June 20, 2026



Gerald at Julia - Bulgar, IG

Photo: Gerald at Julia - Bulgar, IG




Spotted sina Julia Barretto at Gerald Anderson sa isang event na parang salu-salo. Parang sa isang restaurant ang venue dahil may mga tables at chairs at may ibang tao sa paligid.


Sa larawan, parehong nakatawa ang former couple at ang interpretasyon ng mga netizens, baka tinukso sina Julia at Gerald na magkakabalikan sila kaya nagtawanan.

Napa-“Sana” at “Sana magkabalikan sila” ang mga fans, lalo’t pareho silang single at wala naman daw nililigawan si Gerald. 


Kaya lang, may nali-link kay Julia at kung magkakaroon ng balikan, dapat malinaw muna ang status nila ng aktres.


Ang ikinatutuwa ng mga fans, friends pa rin ang dalawa kahit break na sila at magandang rason ito sakaling magkakabalikan nga sina Gerald at Julia.





NAG-POST si Sunshine Cruz tungkol sa pagbabalik niya sa acting.

Aniya, “For 3 years, I’ve declined movies and projects due to my myasthenia gravis. Grateful to always be considered but I didn’t want to burden the prod if my MG suddenly flares up, so I opted to focus on my health journey instead. 


“A few weeks ago, I got a call to guest in a series. My neuro gave me a clearance. Excited to be part of a series of this actor who I have been wanting to work with. Health still comes first but 2 days of taping wouldn’t hurt.”


Sa behind-the-scenes post ni Sunshine, makikita si Romnick Sarmenta at isang child actor. Hindi nito binanggit kung saang series siya magge-guest, kaya aabangan na lang ng kanyang mga fans na nami-miss nang mapanood ang aktres.





PINASALAMATAN ni Sharon Cuneta ang nag-post na malabong mapasama si Mega at asawang si Sen. Kiko Pangilinan sa mga tumanggap ng maleta. 


Sa post ni Gerry Cacanindin, pahayag nito, “Sen. Kiko Pangilinan and Sharon Cuneta nakatanggap ng maleta? Geez, where to even start? Maybe let’s start with the fact that Sharon Cuneta isn’t called the Megastar for nothing.


“During the height of her popularity, isang TV ad lang ni Sharon Cuneta commanded tens of millions of pesos. That’s a day’s worth of work for a 30-second ad. So yes, matagal nang tumatanggap ng male-maletang pera si Sharon, but not in the way you think.


“At age 15-16, naka-first million na si Sharon. This was around 1981 to 1982. Adjusted for inflation, that million is worth around P25 million today. ‘Yan ‘yung katas ng success ng debut movie n’yang Dear Heart.”

Sabi ni Sharon, “Thank you, Sir. God bless you!”


Sinegundahan ng mga fans ni Sharon ang post ni Mr. Cacanindin. Hindi lang daw milyonarya, maaga at bata pa siya nang maging bilyonarya, kaya malabong mapasama sila sa mga tumanggap ng maleta.


Isang fan din ang naglinaw sa mga nagsabing hindi naman nabanggit na tumanggap sila ni Kiko ng maleta. 


Sabi nito, “‘Wag kayo mag-alala, naintindihan naman namin na ‘di abot ng mga utak ninyo ang implication ng pagsama ng picture nila sa circus na presscon. Walang mention so ano, trip-trip lang, ganu’n?”


May nag-comment pa na, “‘Pag ‘yan si Sharon tinoyo, papatulan talaga n’ya ‘yung amats ng mga ‘yan,” at sinundan ng comment na, “The mere fact na napasama ang pic ng pamilya, may malice intended na...”


May nagbanggit pa ng “Sharon acquired billions herself. ‘Yang laman ng maleta na sinasabi, eh, baka pinagkakawanggawa lang ni Sharon. She literally has generational wealth. Jusme! Hahaha!”


Samantala, nagsimula nang mag-taping sina Sharon at Barbie Forteza ng family drama na Honor Thy Mother (HTM)


Sa caption ni Sharon na, “With my very own sweet Barbie,” sinagot ito ni Barbie ng “Waaaahh!!! Always a pleasure being on set with you po!”


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page