top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

VICE, URONG-SULONG SA PAGKAKAROON NG ANAK DAHIL MASYONDA NA

Writer: BULGAR
BULGAR
May 31, 2023
2 min read

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | May 31, 2023



Early this year ay sinabi ni Vice Ganda na gusto na raw niyang magkaroon ng sariling anak via surrogacy process na tulad din ng ginawa ng negosyanteng si Joel Cruz.


In fact, napabalita ngang humingi pa ng payo si Vice kay Joel tungkol dito. Kaya marami ang nag-aabang sa latest development or update at kung nasimulan na ba ng Unkabogable Star ang proseso.


Kahapon sa Magandang Buhay ay guest si Vice at ang kanyang pamilya at isa ito sa mga naitanong sa kanya.


Ayon sa It's Showtime host, hindi pa siya nakahahanap ng panahon para ituloy ang kanyang plano.


"Gusto ko na talaga. 'Yung panahon lang talaga ang kalaban ko. Nahihirapan akong maghanap ng panahon," aniya.


"Mahabang proseso kasi siya, eh. Kailangan ko talagang maglaan ng panahon," dagdag niya.


Natanong din ang ina ni Vice na si Nanay Rosario tungkol dito at mixed reactions ang kanyang nararamdaman.


"Excited na hindi excited kasi ang tanda na niya, eh. Matanda na 'yung anak ko," sey niya.


Sabi naman ni Vice, kaya nga raw nagtatagal ang plano niyang magkaanak via surrogacy ay dahil sa mga ganyang komento sa kanya, hindi lang ng ina kundi pati na rin ng ibang tao.


"Sinasabi niya palagi 'yun. Actually, hindi lang siya. Marami akong kakilala, 'Ngayon pa ba ang tanda mo na?' Actually, kaya ako tumagal nang tumagal dahil sa ganyang komento."


Pero, paliwanag naman ni Nanay Rosario, "Kasi baka hindi ko na maalagaan, anak. Tulad ng mga apo ko nu'ng bumalik ako, eh.


"Hindi ko na naranasan magpalit ng diaper, hindi ko naranasan na magpaligo, which I regret talaga. Pero, I have to choose kung ano ang dapat kong unahin. Eh, ngayon, baka hindi ko na kayang mag-alaga."


Katwiran naman ni Vice sa ina, "Unang-una, hindi naman ako mag-aanak para may alagaan ka, Mother."


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page