VICE, TODO-THANK YOU NA JOINT FORCES NA ANG DOS AT TV5

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | January 26, 2021

Kani-kanyang pagbibigay ng mensahe ang mga ASAP Natin 'To hosts kahapon (Sunday, January 24) pagkatapos ng kanilang opening production number kasama ang iba’t ibang lead stars ng mga teleserye ng Kapamilya.
Agaw-pansin ang mensaheng ibinigay ng It’s Showtime host na si Vice Ganda.
“What’s up madlang pipol, mga Kapamilya at Kapatid? Maraming-maraming salamat po. Personally, I would like to thank you very much. To PLDT and TV5 Chairman Mr. Manny V. Pangilinan, Cignal and TV5 president and CEO Mr. Robert Galang, maraming-maraming salamat po,” sey ni Vice.
Nagbigay-pugay din ang Unkabogable Star sa lahat ng gumawa ng paraan para magsanib-puwersa ang Kapamilya at Kapatid Network. Sabi nga nila, walang imposible sa posible.
Kaya ang dugtong ni Vice, “Wala nang dibisyon… may TV5, may ABS-CBN… may Kapamilya… may Kapatid.”
Pansamantalang tumigil si Vice sa pagsasalita at saka tiningnan ang sarili kung saan nakasuot siya ng red-ruffled heart-shaped outfit, saka siya nagpatuloy, "Siyempre, kaya ako nagganito… Kapuso… mga Kapatid, mahal na mahal namin kayo!!!”
Sinegundahan ni Vhong Navarro ang sinabi ni Vice.
Aniya, “Sabi ko na…two plus five equals… puso.”
Ang komento ng mga netizens sa pagsasanib-puwersa ng ABS-CBN at TV5 ay pinagtutulungan daw umano ng dalawang networks ang GMA-7.
First sa history ng television na ang dalawang networks ay nagkasundong magsama kaya ang episode nu’ng Linggo ng longest musical variety show ay #ASAPAsOne.
Hindi rin kinalimutang pasalamatan ng mga Kapamilya ang A2Z Channel sa pamumuno ni Mr. Eddie Villanueva.
Sila ang unang nagbukas ng pinto para mapanood sa free channel ang mga programa ng ABS-CBN mula nang hindi binigyan ng franchise renewal ng Kongreso ang higanteng network.





Comments