top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

VICE, TODO-EMOTE SA SOCMED, SWEET NA SWEET KAY ION SA HARAP NG CAMERA

Writer: BULGAR
BULGAR
Aug 11, 2022
2 min read

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | August 11, 2022



Sa kanyang recent Instagram post ay nag-emote si Vice Ganda sa kanyang mga fans and followers.


In a video-audio clip kung saan ay maririnig ang kanyang boses, sinabi niyang hindi naging madali para sa kanya ang mga nakaraang buwan dahil sa kanyang mga pinagdaanan.


“These past few months have not been easy. In fact, they’ve been really difficult. Ang daming nangyari sa buhay ko. May magagaan, may mabibigat.


“May mga masasaya, may mga malulungkot. May mga winning moments at may mga humbling moments,” pag-amin ni Vice Ganda.


Patuloy niya, napakarami niyang pinagdaanan na hindi alam ng tao.


“Sa mga pinagdaanan ko, ilan lang diyan ang nakita n'yo at talagang alam n'yo. It was really exhausting, really exhausting,” aniya.


Pero magkagayunman, sobra-sobrang pagmamahal at suporta naman daw ang natatanggap niya mula sa madlang people.


“And I know, napakarami sa inyo ang nagdarasal para sa kalusugan ko at sa kaligayahan ko. At ‘yun ang nagpapanumbalik ng sigla ko,” she said.


“Kaya araw-araw, anuman ang pinagdaraanan, excited ako laging gumising kasi sigurado ako, nand'yan kayo.


“At gigil na gigil ako laging pasayahin kayo,” aniya pa.


Sa huli ay nagpasalamat siya sa madlang people at sa kanyang mga fans na tinatawag niyang “Little Ponies.”


“Kaya ngayon, bago ako matulog, I just want to say thank you very much and I love you Madlang People. Most especially to you, my Little Ponies. Good night,” pagtatapos ni Vice Ganda.


Umapaw naman sa comment section ang mga words of love and encouragement sa kanya ng mga kaibigan and supporters.


Sabi ni Korina Sanchez, “Anuman 'yan, oo, siguro mahirap. Pero kaya mo 'yan.”


Komento naman ni Ruffa Gutierrez, “Sending love, Vicey!!”


Sey ni Iza Calzado, “Sending love and healing light!”


Dahil wala namang detalyeng binanggit si Vice, marami ang na-curious kung ano ba ang problema niya at kung okay ba sila ng asawang si Ion Perez.


Pero mukhang wala naman silang problema ni Ion dahil sweet na sweet pa rin naman sila base sa mga huling posts ni Vice.


Anyway, abangan na lang natin at baka sooner or later ay mag-open-up si Vice tungkol dito.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page