Vice, suwerte, 'di nadamay… TERRENCE, NALULONG DAW SA SUGAL KAYA NABAON SA UTANG ANG MISIS, NAKULONG
ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | January 15, 2022

Dating na-link kay Vice Ganda ang kontrobersiyal ngayong basketball player na si Terrence Romeo.
Open si VG sa kanyang paghanga noon sa sikat na basketbolista. Pero, ang partidos ni TR ang tumutol at humadlang kaya naudlot ang pagiging malapit ng dalawa sa isa't isa.
Todo-bantay ang tatay ng basketbolista upang mailayo ito kay Vice Ganda. 'Yun ang panahon na kasikatan ni Terrence Romeo at makakasira raw sa career nito kapag naugnay sa gay comedian-host.
Ngayon, tiyak na ipinagpapasalamat ni Vice Ganda na naudlot ang friendship nila ni Terrence Romeo. Masalimuot ang naging buhay ng dating sikat na basketbolista. Balitang nagumon ito sa sugal kaya pati ang kanyang dating asawa na si Beatrice Pia White ay nagkabaun-baon sa utang sa maraming tao.
Ngayon ay nakakulong na ang dating asawa ni TR dahil sa patung-patong na kaso ng estafa. Si Terrence ang sinisisi ng lahat kaya nagulo at nasira ang buhay ni Beatrice Pia. Bukod daw kasi sa sugarol, maluho rin umano sa buhay si Terrence. Sinusunod naman daw ng kanyang misis ang lahat ng kanyang kapritso sa buhay.





Comments