top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

VICE, PINAKAMALAKAS NA NASAMPAL NI MARICEL

Writer: BULGAR
BULGAR
Oct 30, 2023
1 min read

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | October 30, 2023



Si Vice Ganda pala ang may hawak ng korona bilang pinakamalakas na nasampal ni Diamond Star Maricel Soriano.


May nagtanong kasing netizen kay Maria sa X kung sino’ng artista ang nabigyan niya ng pinakamatinding sampal sa eksena.


Sumagot naman si Maricel at sey niya, “I think si @vicegandako, dumugo eh!”


Matatandaang nagkatrabaho noon sina Maricel at Vice Ganda sa pelikulang Girl, Boy, Bakla, Tomboy (2013) na idinirek ng yumaong si Wenn V. Deramas.


Ang daming nag-react sa sagot ni Maria at naalala nga raw nila ang sampalan scene na ‘yun.


“Hahahahahaha that scene from Girl, Boy, Bakla, Tomboy. Ikaw kasi, Mark Jill, pinag-araro mo si Girlie kaya si Peter na may karamdaman sa atay ang pumalit kaya ayan tuloy, naospital,” komento ng isang netizen.


“‘Yung masampal ka ni Inay Maria is such a blessing, hahahaha!” sey naman ng isa pa.


Marami nang artista ang nagpatunay kung gaano kalakas manampal si Maria sa mga eksena and so far, si Kim Chiu nga ang latest niyang nasampal.


Magkasama ang dalawa sa TV series na Linlang at gumaganap silang mag-biyenan-manugang.


Nabanggit nga ni Kim sa mediacon na talagang natigalgal siya sa sampal at para raw siyang tinamaan ng bola ng baseball sa lakas.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page