VICE, NAHAWA RAW SA SAKIT NI IVANA, 'DI PINAYAGANG UMAPIR SA IT'S SHOWTIME
- BULGAR
- Oct 23, 2022
- 2 min read
ni Julie Bonifacio - @Winner | October 23, 2022

Humingi ng paumanhin si Unkabogable Star Vice Ganda sa kanyang Twitter account sa ‘di niya pag-apir sa grand finals ng Miss Q&A ng It’s Showtime kahapon (Sabado).
Inaabangan pa naman ng madlang pipol ang kanyang pasabog na production number sa grand finals ng Miss Q&A.
Tweet ni Vice, “Sorry po, wala pa rin ako sa Showtime. Kagabi pa 'ko umiiyak dahil 'di ako napayagan for a valid reason. 'Di ako pumayag na i-adjust ang date ng Finals kasi this event is not about me. It’s about these beautiful girls and their talents. So for now, let’s focus on them.
Sorry po! (broken heart emoji)”
Sa tweet pa lang ni Vice ay basang-basa na kung gaano nadurog ang puso niya na ‘di personal na masaksihan ang huling warlahan ng mga candidates sa Miss Q&A na kapwa niya members ng LGBTQ community.
Maging ang madlang pipol ay nag-express ng panghihinayang na ‘di nakaapir si Vice sa It’s Showtime noong Sabado.
“Owwwww I see! Waiting for your pasavogue attire pa naman. We still love yaaaaaa, Meme Vice.”
“We understand Meme Vice, and hope ma-fulfill mo lahat ng ganaps mo, pahinga ka din 'coz we know you're being too busy lately. WE LOVE YOU.”
Sa sumunod na tweet ni Vice ay ini-reveal niya na may mga ipinagawa pa naman siyang gown with an “s”, ha? Meaning, higit sa isa ang ipinagawa ni Vice na gown para sa grand coronation ng Miss Q&A, 'di ba?
Say ni Vice, “Kung alam n'yo lang kung gaano 'to kasakit para sa akin. This segment is very important to me and very close to my heart. Aside from the fact na 'di ko masusuot 'yung mga ipinagawa kong gowns para aliwin kayo (5 broken heart emojis).”
May hanash ang mga netizens na maaaring nahawahan daw si Vice ng co-star niya sa kanyang MMFF movie titled Partners in Crime na si Ivana Alawi.
Kumalat kasi sa socmed na may mataas na lagnat si Ivana kahapon. Pero kinumpirma rin naman later on ni Ivana na wala siyang COVID.
Anyway, si Anne Patricia Lorenzo ang tinanghal na Grand Winner sa Miss Q&A Kween of Multibeks, The Queenfinity War ng It’s Showtime, habang ang inaasahang
makokoronahan bilang Grand Winner na si Karen Montecillo ay itinanghal na First Runner-Up.
Ang daming supporters ni Karen na nanghinayang dahil 1% lang ang lamang sa kanya ng Grand Winner na si Anne Patricia.
At ang nanalo naman bilang Second Runner-Up ay si Manny Dionisia.
Congrats sa mga nanalo at sa It’s Showtime.





Comments