VICE, NAGSU-SHOOTING NG MMFF MOVIE KAYA OUT SA IT'S SHOWTIME
- BULGAR
- Oct 15, 2022
- 1 min read
ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | October 15, 2022

Ayon sa ilang netizens, isang malaking drama lang ang diumano'y isyu sa hindi pagsipot ni Vice Ganda sa programang It's Showtime dahil imbiyerna raw ito sa ilang hosts ng noontime show na nale-late dumating.
Ang iba namang hosts ay bigla na lang lumalayas kahit na hindi pa tapos ang show. At may ilang pasaway daw kaya nabubuwisit na si Vice Ganda. Kaya naman, minabuti na lang daw ng comedian-host na 'wag munang siputin ang Showtime.
Pero, mula sa isang insider ng show, ang totoong dahilan daw ng pag-a-absent ni Vice sa It's Showtime ay nagsu-shoot ito ng pang-MMFF movie niya with Ivana Alawi, ang Partners in Crime.
At may consent ang production ng Showtime sa hindi pagsipot ni Vice sa show.
Well, marami namang hosts ang It's Showtime kaya nakaka-survive ang show kahit wala si Vice Ganda. At may pangako naman ang comedian-host na babalik din siya sa show.
Marami lang daw siyang labada at sinampay ngayon. Meaning, may raket siyang pinagkakaabalahan.





Comments