top of page

VICE, NAGALIT KINA KUYA KIM, BILLY, COLEEN ETC. NANG UMALIS SA ITS SHOWTIME

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 25, 2022
  • 3 min read

ni Julie Bonifacio - @Winner | November 25, 2022


Makahulugan ang mga binitawang pahayag ni Unkabogable Star Vice Ganda sa pagtatapos ng Magpasikat 2022 ng It’s Showtime last Saturday.


By now ay knows na natin na ang tandem ng It’s Showtime hosts na sina Jhong Hilario at Ryan Bang ang nag-champion sa Magpasikat 2022. And this is the first time na nanalo si Ryan sa team na kanyang nasamahan.


When it’s Vice's turn na magbigay ng mensahe sa madlang pipol, ini-relate niya ang pagkakapanalo ni Ryan sa Magpasikat 2022 kung saan binalikan daw ng Koreanong host ang kanyang pinagmulan sa pananatili ng It’s Showtime pagkatapos ng isang dekada sa telebisyon sa kabila ng mga pinagdaanan ng programa.


Paliwanag ni Vice, “Binalikan niya (Ryan) kung ano siya. Siya ay Koreano na minamahal ng Pilipinas at siya ay Koreano na mahal ang Pilipinas. Nu'ng binalikan niya, lalong lumabas ang totoong kagandahan niya bilang tao.


“Gusto ko ring magpasalamat sa mga hindi na natin kasama, dahil 'yung mga hindi na natin kasama, sila 'yung nagsimula ng programang ito.


“Isa sila sa mga unang taong nag-isip, napagod, naging paa’t kamay ng programa.”


Una agad binanggit ni Vice ang pangalan ng dating direktor ng noontime show na si Direk Bobet Vidanes kasama sina Billy Crawford, Kim Atienza at Coleen Garcia.


“Gusto kong magpasalamat at balikan ‘yung pinagmulan natin. Direk Bobet Vidanes, thank you very much. Direk Mel Feliciano, thank you very much. Direk Boyet, thank you very much.


“Sa lahat ng mga hosts na nagsimula nito, kasama na d'yan si Kuya Kim, thank you very much.


Billy Crawford, thank you very much. Coleen, Eruption, thank you very much. Baby Joy and Baby Rex, thank you very much. Joey Marquez, thank you very much.


“Gusto kong balikan lahat ng masasayang alaala kasi masayang-masaya naman tayong lahat, mahal na mahal natin 'yung isa’t isa bago tayo hindi nagkaintindihan. Bago tayo nagkasakitan, bago tayo nagalit sa isa’t isa, nagmahalan tayo. Gusto kong balikan ‘yun.


“It’s a celebration. We celebrate the love we once felt kahit hindi tayo nagkakasama,” litanya ni Vice.


Maging ang mga dating staff ng It’s Showtime ay pinasalamatan din ni Vice.


“This program has brought so many things in my life. Guminhawa ang buhay ko, ang pamilya ko, sumaya, nagkaroon ako ng maraming tagasubaybay, marami ang nagmamahal sa akin.


Mahal na mahal ko ang pamilyang ‘to. Kaya maraming-maraming salamat po.


“Tita Cory Vidanes, maraming-maraming salamat sa amin na kahit tanggap na namin na sa isang punto ng buhay namin na alam namin na kakanselahin na kami, hindi ninyo kami kinansela at nandidito pa rin kami."


Kaya kapag tinatanong daw siya ng staff, ng mga co-hosts at ng ibang artista ng ABS-CBN kung saan papunta ang It's Showtime, ang sagot ni Vice ay hindi niya alam.


Pero kung saan man daw papunta ang It’s Showtime, mahalagang magpatuloy lang sila at ibigay ang gusto ng madlang pipol. Dahil kahit ‘di raw nila alam kung saan papunta ang It’s Showtime, ang Diyos ang magdadala kung saan sila nararapat.


Pagkatapos ng speech ni Vice, naghayag naman si Anne Curtis ng pagka-miss sa kasamahan nilang host sa It’s Showtime na si Vhong Navarro.


Say pa ni Vice, “Vhong, hinding-hindi ka namin nakakalimutan. Araw-araw, naaalala ka namin.


At araw-araw, nagdarasal kami para sa 'yo. At araw-araw, isa ka sa mga hiling na ibinibigay at ibinubulong namin sa Diyos. Kasama ka namin dito at excited na kami na makasama ka pa naming muli dahil alam namin na makakasama ka naming muli. Mahal na mahal ka namin. Ang tagumpay ng It’s Showtime noon, ngayon at ang magiging tagumpay pa sa kinabukasan ay kasama ka, Vhong Navarro.”


True!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page