top of page
Search
  • BULGAR

VICE, IDINISPLEY ANG MGA SAPATOS NA P100 K ANG HALAGA NG ISANG PIRASO

Julie Bonifacio - @Winner | March 2, 2021





Ipinakita ni Vice Ganda ang kanyang sneaker collection sa latest vlog ng It's Showtime host on his YouTube channel yesterday.


Halos makumpleto ni Vice ang lahat ng color, designs and collaboration ng ibang sikat na celebrities from Michael Jordan hanggang sa mamahaling off-white signature brand with Nike rubber shoes.


Mahigit 20 pairs ang ipinakita ni Vice sa kanyang vlog. At ilan sa mga rubber shoes ay pag-aari ng boyfriend niyang si Ion Perez.


Isinama na rin daw niya sa kanyang lalagyan ng rubber shoes ang mga sapatos ni Ion. After all, magkasama naman silang nakatira sa bonggacious niyang bahay.


Bukod sa Nike, meron ding siyang Louis Vuitton Arclight rubber shoes na ang lowest price ay P50K; Versace, Gucci, Christian Louboutin, Balenciaga, Adidas Pharrell at ang Adidas Yeezy niya na nagkakahalaga raw ng P90K to P100K. Pero ang bentahan daw ng mga resellers ay mahigit P100K.


Bukod sa mga ipinakita niya sa vlog, marami na rin daw siyang ipinamigay na branded sneakers niya. Ang iba ru'n ay for a good cause. Marami na raw siyang nai-donate na mga sapatos niya.


"Collect-collect, 'yung iba, pinanakaw ko sa mga kaibigan kong mababait sa simula. Makikihiram-hiram, tapos wala nang balikan. 'Yun, isang malinaw na budulan," biro ni Vice.


Kung tutuusin, puwede naman daw niyang ibenta ang mga sapatos niya, gaya ng ginagawa ng mga resellers.


"Nahihiya akong ibenta. Kasi 'yung sneakerheads, nagko-collect sila, tapos ibinebenta nila. Ipinapalit lang nila kapag may bago. Kaya lang, nahihiya akong magbenta. Alam mo naman dito sa Pilipinas, itsitsismis ka, 'Si Vice Ganda, nagbebenta ng gamit. Naghihirap.' Ang daming 'ebas' ng mga tao," tili ni Vice.


Pero may mga pagkakataon na minsan, ayaw daw niyang ipamigay ang kanyang mga sneakers.


"Ayaw ko siyang i-let go. Gusto ko lang siyang tingnan kasi pinaghirapan ko silang lahat, eh. Kaya kung titingnan mo ang mga sapatos na 'to, ang worldly, ang evil niya, kasi sobrang dami na niya," pahayag ni Vice.


Pagpapatuloy pa niya, "Pero you must understand it (that) it is my job to look good almost all the time, kundi man all the time. You have to be looking good tuwing makikita ka ng mga tao. Kasi, siyempre, binabayaran ka nila, eh, so, ayaw naman nilang makikita na gusgusin ka. Kasama 'yan sa investment namin bilang artista. At the same time, pinaghirapan ko rin naman ang mga 'yan."


Nag-ipon daw siya ng pera para mabili ang gusto niyang bilhin sa lehitimong paraan.


"Kumbaga, 'yung pera kong naipon, eh, inipon ko 'yun kasi gusto kong mabili ang mga gusto ko. Bibilhin ko siya sa lehitimong pamamaraan at 'di nagnanakaw sa kaban ng bayan, GANOON," diin ni Vice na tila may pakahulugan.


Sa comment section ng YT channel ni Vice ay may netizen ang nag-react sa sinabi niya.


"When Vice Ganda said, 'Hindi nagnanakaw sa kaban ng bayan,' Philhealth felt that!"


'Yun na.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page