VICE, BUMILI NG P5 M BLACK CADILLAC DAHIL SIRA NA ANG AIRCON NG MERCEDES BENZ
ni Julie Bonifacio - @Winner | January 28, 2022

May bagong paandar muli na bagong acquired na property ang It’s Showtime host at Unkabogable Star na si Vice Ganda sa kanyang channel kahapon.
This time, isang bagong super high-end na caru (car, kotse, vroom-vroom, sabi nga ni Vice sa kanyang vlog) ang kanyang binili, ang black 2021 Cadillac Esplanade SUV.
Ang presyo nito ay nagsisimula sa halagang $76,295 (Luxury trim) na kung iko-convert sa peso current exchange rate na P51 ay almost P4 M hanggang sa $100,595 (Premium Luxury Platinum and Sport Platinum) na aabot sa P5 M.
Siyempre, knowing Vice Ganda, 'yung pinaka-high-end na model ang pipiliin niya.
Nagdesisyon na raw siya na bumili ng bagong sasakyan pagkatapos magdispalinghado ang tatlo niyang mga mamahaling sasakyan kabilang na ang black Mercedes Benz niya na sira na ang aircon at ilang taon na rin naman niyang gamit-gamit.
Actually, last year pa siya nag-order ng bagong sasakyan, kaya lang, kulay puti na Cadillac Esplanade raw ang ibinigay sa kanya. Mas feel ni Vice 'yung black color kaya ipinabalik niya and waited sa gusto niyang kulay.
Napagkatuwaan nila ng kanyang boyfriend na si Ion Perez kung ano ang puwede nilang ibigay na name sa bago niyang SUV. Naisip ni Vice na tawagin itong “ES” mula sa acronym ng singing game show sa ABS-CBN, ang Everybody Sing.





Comments