VICE AT TVJ, 'DI ISINAMA SINA DOLPHY AT MICHAEL V. SA MGA BINANGGIT NA CO-AWARDEES NILA
- BULGAR
- Oct 3, 2023
- 1 min read
ni Ambet Nabus @Let's See | October 02, 2023

Hindi man personal na natanggap ni Vice Ganda ang award na ibinigay sa kanya ng FDCP kasama ang mga icons sa comedy sa pangunguna ng yumaong si Dolphy, wagas naman ang pasasalamat nito.
Sa It's Showtime last Saturday, todo-pasasalamat si Vice sa FDCP at kung hindi mo nga kilala ang katalasan ng dila nito ay iisipin mong may pinahahagingan na naman ito.
Bongga ang pagbasa ni Jhong Hilario ng karangalan with pa-matching bouquet pa. Award kung award ang peg.
Aniya, "Ganu'n talaga. Very consistent ang ganap. Kapag may mga issues, may award na ganito agad na kasunod. Masaya at nagpapasalamat talaga ako."
Inialay pa niya ito sa lahat ng nakatrabahong direktor lalo na kay Wenn Deramas, sa buong It's Showtime, sa Viva Films at Star Cinema at sa kanyang mga tagahanga at asawang si Ion Perez.
Binanggit din ni Vice ang mga co-awardees niyang sina Eugene Domingo, Ai Ai delas Alas at ang TVJ.
Sa E.A.T. naman kung saan nabigyan din ng award ang TVJ trio, napakasimple naman ang ibinigay na pasasalamat nina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon. Halos pagtawanan pa ni Vic ang tila pautal-utal na pagbasa ni Allan K. sa nakasulat sa tropeyo.
At sila lang ang nagbanggit ng name ni FDCP Chair Tirso Cruz III at nagpasalamat.
Ang dalawa pang mga awardees na hindi na-mention ng TVJ at ni Vice ay sina Tito Dolphy at Michael V.
Wala lang, gusto lang naming sabihin at bigyan ng atensiyon.





Comments