top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

VICE, AMINADONG SIYA LANG ANG HINIHINTAY PARA MAKAPAG-START ANG IT'S SHOWTIME

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 17, 2022
1 min read

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | July 17, 2022




Pinaghandaang mabuti ng It's Showtime ang kanilang opening number sa back-to-back program nila with Tropang LOL kahapon, Sabado.


Kumpleto ang lahat ng hosts at may live audience na rin sila.


Tuwang-tuwa ang madlang pipol dahil sa mahigit dalawang taon na walang audience ang programa ay muli nilang napanood nang live ang kinasasabikang noontime show ng ABS-CBN.


Kesehodang pumila sila nang maaga dahil kinakailangang dumaan pa sila sa proseso, basta't mapanood na raw nila nang live ang It's Showtime ay okay na.


Eksaktong 12:45 PM nag-umpisa ang programa.


Biro ni Vice Ganda, dahil ganu'ng oras daw talaga siya dumarating.


Maganda ang feedback ng audience sa dalawang noontime shows na nagsanib-puwersa. Parehong trending sa social media ang TLOL at ang IS.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page