VICE, AMINADONG IPAPAHAMAK LANG ANG ‘PINAS ‘PAG NAGING PULITIKO
ni Nitz Miralles - @Bida | January 24, 2022

Pinuri si Vice Ganda dahil hindi siya nagpadala sa pangungumbinse sa kanyang pasukin na rin ang pulitika. In-offer-an pala siya na tumakbo sa mataas na posisyon sa darating na eleksiyon pero tinanggihan niya.
“Sa ngayon, no! Ayokong magsalita nang patapos. May nag-offer sa akin sa mataas na position.
Naloka ako! Hindi ako magaling du’n. Feeling ko, puwede akong manalo dahil marami akong followers, maraming fans, maraming boboto sa akin, pero hindiako magaling du’n, so bakit ako pupunta roon? Ipapahamak ko ang Pilipinas?”
Hindi na binanggit ni Vice kung sino at kung ano’ng political party ang nag-offer sa kanya na tumakbo para sa May 9, 2022 elections. Hindi na rin nito sinabi kung anong position ang inilatag ng kumausap sa kanya.
Basta, natutuwa ang kanyang mga fans na hindi tinanggap ni Vice ang offer.





Comments