VIC, PAULEEN AT MGA ANAK SA IBA'T IBANG BABAE, SAMA-SAMA TOGETHER
- BULGAR
- Apr 3, 2023
- 1 min read
ni Beth Gelena @Bulgary Files | April 3, 2023

Isang priceless photo ang ipinost ni Oyo Sotto sa kanyang Instagram page.
Makikita sa naturang larawan na nagkaroon ng small gathering ang Sotto clan dahil kumpleto ang mga magkakapatid at kasama nila ang nag-iisa nilang ama na si Bossing Vic Sotto.
Natuwa naman ang mga netizens sa ginawa ni Oyo na pagsamahin ang lahat ng mga kapatid niya sa side ng ama.
Kasama rin ni Oyo ang maganda niyang misis na si Kristine Hermosa at present din ang sister niyang si Danica Sotto-Pingris, maging si Pasig City Mayor Vico Sotto.
Makikita sa larawan si Vic na nakaupo katabi ang misis na si Pauleen Luna at ang kanilang anak na si Tali.
Nandu'n din ang painter na si Paulina Sotto-Llanes (anak ni Vic kay Angela Luz) who was with her daughter Sachi and husband Jed Llanes.
Sina Danica at Oyo ay anak ni Vic sa unang asawa na si Dina Bonnevie, samantalang si Vico naman ay anak ni Vic kay Coney Reyes.





Comments