top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

VIC, PAREHONG NINONG SA KASAL NINA MAJA AT MAINE

Writer: BULGAR
BULGAR
May 8, 2023
1 min read

ni Nitz Miralles @Bida | May 8, 2023



Hindi yata napanood ng ilang AlDub fans ang interview kay Vic Sotto kung saan sinabi nitong ninong siya sa kasal ni Maja Salvador kay Rambo Nuñez at gayundin sa kasal ni Maine Mendoza kay Cong. Arjo Atayde.


Sa sinabing 'yun ni Vic, kumpirmasyon na nga ito sa kasalang Maine at Arjo na ayaw pa ring paniwalaan ng ilang AlDub fans dahil mas pinaniniwalaan nila na matagal nang kasal sina Maine at Alden Richards at may mga anak na raw ang dalawa.


Naging careful ba si Vic o wala lang nakapagtanong sa wedding date ng dalawang kasal kung saan ay ninong siya, kaya palaisipan pa rin kung kailan ang kasal nina Maja at Maine sa kani-kanilang nobyo. Ang alam lang namin (kung totoo) ay sa July this year ang kasal ng magkaibigan.


Dahil ninong siya sa kasal nina Maja at Rambo, hindi na lang co-stars sina Vic at Maja sa Open 24/7, ang bagong sitcom na kanilang pagbibidahan. Inaanak sa kasal na rin ni Vic si Maja. Ibig sabihin, mas higit pa sa pagiging magkatrabaho lang ang turingan ng dalawa ngayon.


Anyway, sa presscon ng Open 24/7, malalaman kung sino ang director nito at kung kailan ang premiere.


Si Jose Manalo naman ang makakasama ni Vic dito dahil sa Daddy's Gurl, si Wally Bayola ang nakasama nila ni Maine for five years.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page