VHONG, TAKOT SA MGA PRESO DAHIL WALANG KARISMA
- BULGAR
- Dec 4, 2022
- 1 min read
ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | December 4, 2022

Magkaiba ang sitwasyon nina Vhong Navarro at Sen. Robin Padilla kahit na pareho silang nakulong sa magkaibang kaso.
Si Robin ay nakulong noon dahil sa illegal possession of firearms. Kahit sikat na sikat na siyang artista noon ay nahatulan pa rin na makulong. Walang VIP treatment at hindi gumamit ng padrino upang makalaya. Tinanggap niya ang sentensiyang ibinigay sa kanya ng korte.
Pero, hindi nakaranas si Robin na ma-harass, ma-bully at mabugbog ng mga kasamahang inmates sa Bilibid, bagkus ay may kasamang paggalang ang trato sa kanya dahil idolo siya ng mga dinatnan niyang preso. Fans niya ang karamihan sa mga ito kaya payapa ang naging buhay niya noon sa Munti.
Maraming pagbabago ang naganap habang nasa Munti noon si Robin Padilla. Personal niyang naranasan ang hirap na pinagdaanan ng mga preso.
Samantala, si Vhong Navarro naman na isang sikat na komedyante at host ay hindi ganoon katindi ang karisma sa mga tao kaya marami ang nag-aalala kung ang magandang treatment na ibinigay noon kay Robin ay ibibigay din kay Vhong.
Makakaiwas ba siya sa pambu-bully ng mga kapwa niya preso sa Taguig City Jail?
Nakakatiyak ba siya ng kaligtasan at hindi manganganib ang kanyang buhay?
Well, umaasa naman ang kampo ni Vhong Navarro at ang kanyang legal team na lalabas at lalabas din ang katotohanan. Dasal at suporta naman ang ipinaaabot ng lahat ng kanyang mga kaanak, kaibigan at mga tagahanga.
Ngayon higit na kailangan ni Vhong ang tibay ng loob upang kayanin ang matinding pagsubok na pinagdaraanan niya. Ang malungkot lang ay tiyak na malaki ang magiging epekto nito sa showbiz career ni Vhong Navarro.





Comments