top of page
Search
  • BULGAR

Vhong Navarro, binugbog, ikinulong sa condo... Cedrick at Deniece, habambuhay kulong

ni Angela Fernando @News | May 2, 2024


Hinatulan ng Taguig Regional Trial Court ang mga akusado na sina Cedric Lee, Deniece Cornejo, at iba pang sangkot ng guilty sa kasong illegal detention case na isinampa ng actor-host na si Vhong Navarro.


Ayon kay Atty. Alma Mallonga, abogado ni Vhong, iniutos ng Korte na agarang dalhin si Cornejo sa bilangguan.


Iniutos din ng Korte na kailangang magbayad ng P300k pinsala sa TV host ang mga nahatulang guilty.


Ibinaba rin naman ang agarang pag-aresto kay Lee na hindi sumipot sa pagpapasiya.

Matatandaang sinabi ni Navarro na kinulong siya ni Lee nu'ng gabi ng Enero 22, 2014 sa isang condominium unit sa Taguig City, kung saan siya binugbog ni Lee, kasama ang iba pang sangkot, at binantaang papatayin siya ng mga ito.


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page