VHONG, NAGPARAMDAM NANG BABALIK SA IT'S SHOWTIME
ni Julie Bonifacio @Winner | January 5, 2023

Binati si Vhong Navarro ng mga kasama niyang hosts sa episode ng It’s Showtime kahapon (January 4, 2023).
Idinedikeyt kay Vhong ang “videoke segment” sa episode ng IS kung saan kinanta ng mga hosts ang pinasikat na kanta ng komedyante, ang Totoy Bibo. Pagkatapos ay lumabas sa malaking screen ang pagbati nila ng "Happy Birthday" kay Vhong.
Nag-expect ang madlang pipol na aapir na sa It’s Showtime si Vhong sa mismong kaarawan niya.
Nagparamdam kasi si Vhong sa social media after few weeks ng kanyang paglabas sa Taguig City Jail noong December 6, 2022.
Unang post ni Vhong sa socmed ay ang pagsasama-sama ng pamilya niya sa bahay nila ng misis niyang si Tanya Bautista.
Caption ni Vhong, “Napakarami kong pinagpapasalamat... Thank you, Jesus! Happy Birthday! “Sa lahat ng nagdasal at umalalay sa akin, maraming-maraming salamat. God bless!
“Blessed Christmas sa ating lahat! Pinakamasayang Pasko kasama ang aking pamilya at mga kaibigan.”
And his next post ay bago mag-New Year kung saan may hiling si Vhong sa 2023.
“Praying for a kinder 2023. Happy New Year!” panalangin ni Vhong.
On New Year’s Day ay nag-post ng isang makahulugang mensahe sa Twitter si Vhong.
“Happy New Year Madlang Pips!” tweet ni Vhong na tila may pahiwatig.
Dahil dito, na-excite ang mga netizens sa pagbabalik niya sa It’s Showtime.
“Happy New Year Kuys! Ang saya ko dito, hahaha! 'Di ko alam kung bakit pero natuwa akong makita 'yung tweet mo!”
“Happy New Year Kuys Vhong. Sana bumalik ka na sa It's Showtime."
"Happy New Year, Vhong. May God bless you. Balik ka na sa It’s Showtime.”
'Yun na!





Comments