Vhong, after maabsuwelto sa rape… CEDRIC AT DENIECE, SABAY LUMIPAD PA-SINGAPORE
- BULGAR
- Mar 17, 2023
- 2 min read
ni Julie Bonifacio @Winner | March 17, 2023

Pagkatapos maabsuwelto ni Vhong Navarro sa mga kasong isinampa laban sa kanya ni Deniece Cornejo, tila kahina-hinala ang katahimikan ng kampo ng dating modelo.
Very unlikely na walang narinig o inilabas na reaksiyon si Deniece sa publiko para sa mga Marites.
Dati-rati kasi ay ma-react si Deniece at ang kanyang kampo kapag may balita kay Vhong.
Pati si Cedric Lee na dawit sa iskandalo nina Vhong at Deniece ay nagpapainterbyu pa nu’ng makulong ang komedyante last year.
Pero ang pananahimik ngayon ng dalawa ay ‘di nakalusot sa mga netizens.
Kahapon ay isang post ng netizen, na may account name na Joey Ledesma, ang kumalat sa Twitter ukol kina Deniece at Cedric.
Tweet niya, “Cedric Lee and Deniece Cornejo book plane to Singapore.”
Nag-react siyempre ang ibang netizens sa Twitter. May nagtanong din kung true ang ipinost ng netizen na nag-book palipad ng Singapore sina Deniece at Cedric.
“Totoo po?”
“Takot mabuweltahan.”
“Sila pa rin pala.”
“May honeymoon sila.”
“Wow! The whole plane?”
May nagtanong din kung kumusta na si Kat Alano na very active sa socmed against Vhong, “Eh, si Kat Alano, kumusta na siya?”
Dagdag pa ng isa, “Sana, sumama rin pala si Kat Alano sa kanila.”
Pero nagtataka ang iba kung paano makakaalis o baka nakaalis na umano si Cedric ng bansa gayung may ongoing case pa ito sa korte na nai-file ni Vhong laban sa dating partner at ama ng anak ni Vina Morales.
“Wasn't that guy convicted previously?”
“'Di ba, may kaso si Cedric Lee for corruption? Bakit nakalabas ng bansa?”
“Eskapo.”
“Takbuhan na sila.”
Ang conviction na tinutukoy ng netizens kay Cedric, along with former Mariveles, Bataan Mayor Angel Peliglorio, Jr., ay ang paglustay sa kaban ng bayan na nagkakahalagang P23.47 milyon para sa isang public market na never naitayo.
On the other hand, curious din ang netizens na malaman kung puwede rin sina Kat at Cedric maipakulong ni Vhong.
Tanong ng isa, “Puwede kaya silang ipakulong ulit ni Vhong Navarro?”
Well….





Comments