top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

VG MARC, PINATULAN ANG NETIZEN NA GUSTONG MAGKAAYOS PA SILA NI KRIS

Writer: BULGAR
BULGAR
Oct 12, 2023
1 min read

ni Julie Bonifacio @Winner | October 11, 2023


Never give up. Tila ‘yan ang motto sa buhay ni Batangas Vice-Governor Marc Leviste.


Of course, ang tinutukoy namin ay ang pagkakaroon niya ng ugnayan kay Kris Aquino.


Sa Instagram post ni VG Marc kahapon, may netizen ang nag-Marites sa comment section.


Sabi ng netizen, “I heard you're flying to see Ms. Kris. I hope you'll be able to work things out, magkaiba man ang paniniwala n'yo sa ibang mga bagay, lalo na sa pulitika.”


Obviously, nakaagaw ito ng atensiyon ni Marc dahil nag-reply siya sa comment ng netizen.


Reply ng vice-gov., “Why do I have a feeling I know you or we know each other despite having 0 Followers on @instagram?”


Nakaramdam siguro si Marc na “within the circle” nila ang netizen na nag-post ng comment tungkol sa pagpunta niya sa US para makipagkitang muli kay Kris. Sila-sila lang siyempre ang “in the know” sa mga lakad ni Marc at sa mga ganap kay Kris.


Duda pa ni Marc, “stalker” niya sa Instagram ang naturang netizen dahil ‘di tunay na pangalan ang ginamit sa IG account at walang follower.


Anyway, if true ang ipinost ng netizen, ibig sabihin, ayaw pa ring tigilan ni Marc si Kris despite sa paulit-ulit na pakiusap sa kanya ng ina nina Joshua at Bimby na layuan na sila.


Pero baka naman may gusto lang ipaliwanag o ihingi ng sorry kay Kris si Marc kaya kailangan niyang makipagkitang-muli sa ex-girlfriend.


Bagama't may netizens ang nakikiusap kay Marc na huwag sumuko ng panunuyo kay Kris.


“Please don't give-up on Ms. Kris. Praying for both of you.”


“Still praying for love to win in the end because love bears all things.”

Well.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page