top of page
Matet de leon - FB.jpg

Very good daw, Julia at Claudia… DENNIS, PURING-PURI SI KYLIE NA BINATI SI ROBIN SA FATHER'S DAY

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 1 hour ago
  • 3 min read

ni Nitz Miralles @Bida | June 22, 2026



BIDA - DENNIS, PURING-PURI SI KYLIE NA BINATI SI ROBIN SA FATHER'S DAY-IG _dennisatig & _kylienicolepadilla

Photo: IG _dennisatig & _kylienicolepadilla



Napanood namin ang Facebook (FB) post ng kasamahan naming si Gorgy Rula tungkol sa pagso-sorry ni Dennis Padilla sa kanyang mga anak. Noong Sabado lumabas ang video ng mensahe ni Dennis, na itinaon sa Father’s Day kahapon, at hopefully, napanood ito ng kanyang mga anak kay Marjorie Barretto.


Sabi ni Dennis, “Message ko sa aking mga anak. Again, I’m sorry kung anumang mga mistake na nagawa ko at sa mga pagkukulang ko. I hope magkaroon ng chance na mapatawad n’yo pa ako sa mga darating na panahon.


“To Claudia, with or without the Baldivia family name, ‘di nagbabago ang pagmamahal ko sa ‘yo. I’m still the father na handang mag-defend sa lahat ng bagay. I’m just a text or call away.”

Hindi naman siguro nag-e-expect si Dennis na batiin siya ng Happy Father’s Day kahapon ng kanyang mga anak dahil hindi nga okay ang relasyon nilang mag-aama.


Pero sapat nang humingi ng sorry si Dennis at sabi naman nito, umaasa siyang mapapatawad ng mga anak sa darating na panahon.


Sana nga, dumating ang panahon na makita nating magkakasama si Dennis at ang mga anak na sina Julia, Claudia at Leon. But for now, hayaan muna natin silang pare-parehong mag-heal.





ANG Father’s Day greeting ni Marian Rivera sa asawang si Dingdong Dantes ay simple, short at puno ng pasasalamat.


Mensahe niya, “Happy Father’s Day, Dada. Thank you for being the best dad to Zia and Sixto and for loving our family so wholeheartedly. Watching you as a father is one of the greatest blessings of my life.

“We love you more than you know.”


Ini-repost ni Dingdong sa FB ang greeting na iyon ni Marian. Hindi na niya kailangang sumagot o mag-comment. Ang fans na nila ni Marian ang nag-comment at bumati rin sa kanya ng Happy Father’s Day.


Samantala, may post si Dingdong ng photo nila ni Zia noong mas bata pa ang panganay. Tumutugtog ng gitara ang aktor at kumakanta si Zia.


Caption niya, “Parang kailan lang... ngayon, voice actors na tayo sa Sun Chaser, Ate Z. Always proud of you.”


Tampok sina Dingdong at Zia bilang voice actors sa animated series na Sun Chaser. Sila ang boboses sa mga karakter nina Necrofost (Dingdong) at Sessa (Zia). 


Nag-recording na ang mag-ama pati ang iba pang voice actors ng project na kinabibilangan nina Liza Soberano, AC Bonifacio, KD Estrada at Fil-Am Hollywood actor na si Manny Jacinto.


This Monday, June 22 na raw ang release ng first episode sa official YouTube (YT) channel ng Sun Chaser. Nakakatuwa dahil kasama ang photo ni Zia sa promo material ng anime series.





BINATI ni Kylie Padilla ang amang si Sen. Robin Padilla sa selebrasyon ng Father’s Day kahapon.


Aniya, “I love you. I’ll always be daddy’s girl. Happy Father’s Day @robinpadilla.”

Kabilang sa mga nag-comment si Dennis Padilla at ang sabi, “Kylie... Very good, anak... More love and happiness.”


Nakakalungkot ang reaction ng mga netizens sa comment na ito ni Dennis. 

Sabi ng isa, “Sana maka-relate ka soon.” 


Sinundan ito ng “‘Di ka maka-relate,” at “This is not about Kylie being a good anak. It’s about Robin being a good father to her. So, ‘wag kang magdrama d’yan.”


Drama na pala ang comment na iyon ni Dennis at ikinonek ng mga nakabasa sa sitwasyon nito sa mga anak kay Marjorie Barretto. Mukha ngang matagal pa bago patawarin ng tao si Dennis.


As for Kylie, hinaluan ng pulitika ang greeting niya sa ama. May nag-comment na maaaring good father si Robin, pero pinatakas nito si Bato. May nag-comment pa na payuhan daw si Robin na mag-resign na bilang senador.


And speaking of Kylie Padilla, she’s doing a good job sa Taskforce Firewall (TF), lalo na sa mga action scenes. Mahusay talaga siya sa action kaya ang request ng mga fans sa GMA ay i-build-up siyang action star at susuportahan nila.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page