top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

VanVleet ng Raptors, perpekto, Booker, nilusaw ang Pelicans

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 6, 2022
2 min read

ni Anthony E. Servinio - @Sports | January 06, 2022






Pinatunayan ng bisitang Memphis Grizzlies kung bakit sila ang isa sa pinakamainit na koponan ngayon sa NBA at pinabagsak ang Cleveland Cavaliers, 110-106, kahapon sa Rocket Mortgage Fieldhouse. Ito na ang ika-anim na sunod na panalo ng Grizzlies at balidasyon ng paggawad kay Coach Taylor Jenkins bilang Western Conference Coach of the Month para sa buwang ng Disyembre.


Umarangkada ang Memphis sa huling 7 minuto kung saan ibinura nila ang 90-87 lamang ng Cavs sa pamamagitan ng pitong magkasunod na puntos, 94-90. Mula doon ay bumanat para sa 10 ng kanyang kabuuang 26 puntos si Ja Morant sa huling apat na minuto upang selyuhan ang panalo at umakyat sa 25-14 at pang-apat sa West.


Samantala, perpekto pa rin ang Toronto Raptors sa tatlong laro sa bakanteng Scotiabank Arena at tinalo ang bisitang San Antonio Spurs, 129-104, sa likod ng 33 puntos ni Fred VanVleet.


Ipagbabawal ang publiko hanggang ikatlong linggo ng buwang kasalukuyan bilang tugon ng pamahalaan sa pagtaas ng mga kaso sa lalawigan ng Ontario.


Ang iba pang ginawaran sa buwanang parangal ay sina Joel Embiid ng Philadelphia 76ers at Donovan Mitchell ng Utah Jazz bilang Kia Players of the Month. Ang mga Kia Rookies of the Month ay sina Franz Wagner ng Orlando Magic at Josh Giddey ng OKC Thunder.


Hanggang nananalo, walang problema mag-sentro si LeBron James at hinatid sa Los Angeles Lakers ang 122-114 panalo sa bisitang Sacramento Kings. Lamang ang Kings papasok sa huling 3 minuto, 110-109, subalit ibinalik ng three-points ni Malik Monk sa Lakers ang abante at sinundan ng mga mahalagang puntos nina James at Russell Westbrook upang umakyat sa 20-19.


Bumanat ng todo sa 4th quarter sina James na may 14 ng 31 puntos habang 11 ng kanyang 24 ang pinasok ni Monk. Malaking tulong din si Dwight Howard bilang reserba sa 14 puntos at 14 rebound at nakalaro ng forward si James kung magkasabay sila.

Tinunaw ng Phoenix Suns ang New Orleans Pelicans, 123-110, salamat sa 33 puntos ni Devin Booker at lumapit ng kalahating laro sa numero unong Golden State Warriors para sa liderato ng buong NBA. Tagumpay din ang New York Knicks sa bisitang Indiana Pacers, 104-94, kung saan 32 puntos si RJ Barrett at 30 puntos at 16 rebound si Julius Randle.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page