top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Van, bumangga sa truck… GIGI, 2 BUWANG PAHINGA BAGO BABALIK SA PAGKANTA

Writer: BULGAR
BULGAR
May 19, 2023
3 min read

ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | May 19, 2023



Hindi nakita ni Gigi de Lana ang buong pangyayari sa aksidenteng kinasangkutan nila habang papunta silang Ilocos Norte galing ng Baler, Quezon nitong Lunes.


Natutulog daw kasi siya nang maganap ang aksidente at nagising na lang nang humampas siya sa upuan ng driver's seat mula sa likod kung saan siya nakahiga.


"Bugbog po ang katawan ko, itong buong left side ng katawan ko (kasama ulo) kasi nakahiga ako.


Tumilapon po ako (umabot) sa upuan ng driver's seat," kuwento ni Gigi sa panayam niya kina Julius Babao at Tintin Bersola sa One PH nitong Martes nang gabi.


Kaagad namang dinala ang lahat sa hospital kung saan dumaan sila sa maraming check-ups, lalo na si Gigi na tumilapon.


Dumaan sila sa CT scan, MRI at iba pa. Pero, good thing na clear lahat, maliban sa tinamo nilang mga minor bruises.


Kaya nabigyan sila ng clearance ng doktor na makakabiyahe pa sila para sa next show nila na gaganapin sa Ilocos.


Kuwento ni Gigi ay galing sila ng Baler, Quezon at didiretso sila ng Ilocos para sa next gig.


"Lahat po kami (nag-decide) na ituloy ang event kasi passion po namin na magpasaya at be professional siyempre, saka commitment po."


Nakarating na sila sa Ilocos at habang kumakanta naman si Gigi ay nakaramdam siya ng matinding hilo at ito 'yung viral video na napadukdok siya sa mic stand.



"After po kasi ng accident, hindi mo pa mararamdaman agad, wala pang response 'yung katawan mo. So, nandoon po ako sa stage, 'yung ilaw (nasilaw), kagagaling lang sa accident, alam n'yo po 'yung para kang nagba-blackout?


"Hindi naman po ako totally nahimatay kundi nahilo at naramdaman ko na lahat 'yung sakit, tapos hindi ko na makontrol 'yung boses ko. Hilo na talaga ako, hindi ko na kinaya," detalyeng kuwento ng mang-aawit.


Ang bilis din daw ng tibok ng puso niya, kaya dinala na siya sa hospital at kinabitan ng dextrose para hindi ma-dehydrate.


Inamin ni Gigi na nakaidlip ang driver ng van nila.


"Ganito raw po kasi ang nangyari. Kasi po, dapat, bibiyahe kami ng 6 AM (from Baler), kaso we all decided na after ng show namin, we decided na pumunta na ng Ilocos. So, nu'ng nangyari po 'yung accident, 'yung kasama po namin na si MJ, assistant namin with Josh and Jon, kausap pa po nila si Josh (driver). So, habang kausap nila, kumakanta pa. A few seconds later, parang nakaidlip. Alam ng assistant namin na nakaidlip at akala po niya ay wala kaming kasalubong na sasakyan at all.


"So, akala niya (assistant), iihi lang, itatabi ang sasakyan at magpapahinga. Eh, hindi po tumitigil 'yung van. So, sumigaw na po si MJ at nakapagpreno naman si Josh kahit papaano, pero nabangga na namin 'yung truck. Ganu'n po ang nangyari.


"Buti nagising at nakapagpreno kasi wasak na wasak, pati 'yung airbag," sey naman ni Tintin.

Kaya ang bilin ng doktor kay Gigi, "Bantayan ko raw po kung may pagsusuka kasi 'pag meron daw po, idiretso raw po ako ulit sa ER o emergency room."


Dahil sa pangyayari ay kanselado ang show nina Gigi and The Gigi Vibes sa Nueva Ecija na segue sana nila pagkatapos ng Ilocos Norte.


Nangako naman ang mang-aawit na babalik sila ng Ilocos at Nueva Ecija kapag magaling na siya dahil kailangan muna niyang magpahinga nang dalawang buwan.


"Gusto ko pong mag-thank you sa kanila kasi maraming concerned sa health ko, lalo na po sa voice ko. Maraming salamat sa suporta at hintayin n'yo lang ako, magpapagaling ako at babalik ako nang mas malakas at mas healthy, God bless you," mensahe ni Gigi sa mga supporters niya.


Get well soon, Gigi De Lana and The Gigi Vibes band.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page