top of page

Valentine’s made easy: Tips para sa mas masayang Araw ng mga Puso

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 14 hours ago
  • 2 min read

by John Jonathan Talastas (OJT) @News | February 11, 2026



Valentines Day Special

Photo: File



Napapalapit na naman ang Araw ng mga Puso, kayo ba’y may ka-date na at naka-set na kung saan kayo pupunta, pati na rin ang mga gagawin ninyo? O baka mauwi na naman sa pag-aaway at hindi matuloy ang mga planong isang buwan nang nakatenga? 


Huwag mong hayaang masira ang isa sa pinakamahalagang buwan taun-taon, dahil lang sa hindi pagkakaintindihan. Oki?


Ka-BULGAR, ikaw ba ‘yung tipo ng tao na kahit sa simpleng pagbati lang sa’yo ng partner mo ay masaya ka na, o gusto mo engrande palagi ang paghahanda at gusto mo palaging sinu-surprise? Anuman sa mga ‘yan, narito ang ilang tips upang mapaghandaan nang maayos at matapos ng masaya ang Pebrero mo. Kaya halina’t basahin mo na ito! 


  1. FIRST IMPRESSION LAST. Kahit gaano na kayo katagal, kahit sa simpleng pagngiti lang ay may posibilidad na magtatakda ng buong araw n’yo. Kaya ‘wag kang papatalo, besh, ngitian mo rin!

  2. IMPORTANTE BA ANG VALENTINE’S? Besh, ang pagse-celebrate ng Valentine’s Day ay hindi required, kaya dapat mag-celebrate kayo dahil gusto ninyo at bukal sa inyong mga puso. 

  3. PAG-USAPANG MABUTI ANG MGA PLANO. Mabuti nang klaro sa inyong dalawa ang mga gusto ninyong gawin sa Araw ng mga Puso, papaano na lang kung nag-e-expect ka pala na kakain kayo sa magandang restaurant, nakasuot ng maayos na damit at kakain ng steak, pero ang isa naman ay gusto lang mag-stay sa bahay at sulitin ang mga oras na magkasama kayong dalawa? Tiyak na merong makakaramdam ng pagkadismaya. Hindi ba?

  4. ‘WAG MAG-EXPECT. Kung kayo man ay magde-date sa restaurant o kahit simpleng pag-date lang sa mall, i-push mo ang sarili mo na matapos ang buong gabi na walang ine-expect sa iyong partner dahil magdudulot ito ng walang katapusang pagtatalo at masasayang lang ang araw na pinaghandaan ninyo.

  5. DETAIL IS A MUST! Huwag na huwag ninyong kakalimutan ang mga ayaw at gusto ng inyong mga kabiyak, gaya nga ng sabi ng iba, “Small things matter”.

  6. MALIIT MAN O MALAKING REGALO, REGALO PA RIN. Subukan ninyong magbigay ng kahit maliit na gift o kahit anong surprise na makakatulong sa pag-set ng mood n’yo.

  7. BE THANKFUL. Kung nagpakita ng effort maliit man o malaki, simpleng pagpapakita lang ng tuwa o saya sa iyong mukha ay makakatulong para maibalik ang effort na ginawa niya.


Matapos man nang maayos o hindi ang inyong Valentine’s, piliin n’yo pa ring intindihin ang isa’t isa. Hindi porke hindi sumunod sa plano n’yo ang lahat, hindi ka na niya agad mahal. 


Tandaan mo, ang Valentine’s Day ay ginaganap lang tuwing Pebrero, at hindi naman puwedeng dapat doon mo lang siya mahal o magpapakita ng pagmamahal, piliin mo pa rin sanang mahalin ang partner mo araw-araw. Gets?


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page