SM City BF Parañaque, nagliwanag sa diwa ng Pasko sa “A Timeless Christmas”

by Info @Brand Zone | October 25, 2026

Opisyal nang sinalubong ng SM City BF Parañaque ang kapaskuhan sa pamamagitan ng “A Timeless Christmas,” tampok ang makulay na Christmas lighting celebration, mga live performance, at pamamahagi ng regalo para sa St. Rita Orphanage bilang beneficiary ng Besties of Joy initiative.
Nakiisa sa pagdiriwang sina SM Supermalls Senior AVP for Mall Operations John Brian Tarnate, Parañaque City Vice Mayor Florencio Bernabe III, Congressman Brian Yamsuan, Councilor Marites De Asis, Atty. Arturo Astorga, at mga miyembro ng BFFHAI Board of Directors.
Lalong naging masaya ang okasyon sa pagtatanghal ng NU Chorale at Daloy Dance Company, sa pangunguna ng host na si Janeena Chan.
Sa pamamagitan ng taunang pagdiriwang ng Pasko, patuloy na pinagbubuklod ng SM City BF Parañaque ang komunidad at isinusulong ang diwa ng pagbibigayan, pagmamalasakit, at pagkakaisa ngayong kapaskuhan.





Comments