Valentine gift… DRA. BELO, BINIGYAN NI HAYDEN NG P20 MILYONG LUXURY CAR
ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | February 26, 2022

Isang luxury car ang surprise gift ni Hayden Kho sa misis niyang si Dra. Vicki Belo noong Valentine's Day.
Kaya, ganu'n na lang ang tuwa ni Dra. Vicki dahil sa wakas, natupad ang nasa bucket list niya na magkaroon ng kanyang dream car na Bentley.
Sa totoo lang daw, matagal na niyang pangarap ang nasabing luxury car. Pero dahil sa sobrang mahal, hindi niya mabili-bili para iregalo sa sarili.
Ang nasabing Bentley car ay mahigit P20 M ang halaga. Ang anak nilang si Scarlet Snow ang nag- suggest kay Hayden na brand new car ang iregalo kay Dra. Vicki bilang Valentine's Day gift.
Kaya, wala nang mahihiling pa si Dra. Vicki Belo. Wish granted ang kanyang nasa bucket list.





Comments