top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

Valdez at CCS masusubukan ng 2 foreign guest team sa PVL

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 20, 2023
1 min read

ni Gerard Arce @Sports | June 20, 2023




Masusukat ang tibay ng grupo ni Alyssa Valdez at ng defending champions Creamline Cool Smashers sa karagdagang dalawang foreign guest sa sasabak sa darating na 2023 Premier Volleyball League (PVL) Invitational Conference na magbubukas simula Hunyo 27 sa FilOil EcoOil Centre sa San Juan City.

Umaasa ang mga tagasubaybay at kakampi ni Valdez na magiging siyento-por-siyento na itong babanat ng husto para sa Cool Smashers na masusubukan sa 10 ibang local teams, habang kumpirmadong lalaro rin ang isang koponan mula Japan at isa pang hinihintay na foreign team para sa round robin semifinals.

Inihayag ni PVL President Ricky Palou na kasama ang isang koponan mula Japan sa mid-season conference, habang hinihintay pa ang ibang kopponan mula sa Japan, Vietnam, Indonesia, Thailand, at Hong Kong.

Idinagdag nitong makakasama ang unang dalawang koponan na nagkumpirma na lalaro sa komperensiya, kung saan noong nagdaang taon ay naglaro ang Taiwan team na Kingwhale Taipei na tumapos ng runner-up finish sa Cool Smashers. Nakatakda sanang sumali ang Kobe Shinwa Women’s University sa parehong komperensiya noong isang taon, subalit umatras dahil sa COVID-19.

Nilinaw din ni Palou na inimbitahan nila ang mga professional clubs sa mga nasabing bansa, gayundin ang pag-imbita sa ibang national squad, upang maging mas mataas ang kompetisyon at makatulong sa preparasyon ng bansa sa mga darating na international tournament.

Nakatakdang tumulong sa multi-titlist at multi-awarded spiker sina three-time conference MVP Tots Carlos, Jema Galanza, Michelle Gumabao, Celine Domingo, Risa Sato, Pangs Panaga, libero Kyla Atienza, ace setter Julia Morado-De Guzman at ang nagbabalik indoor na si Bernadeth Pons.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page