top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Vaccination centers, tengga hangga’t kulang ang bakuna

BULGAR
Apr 25, 2021
2 min read

ni Ryan Sison - @Boses | April 25, 2021


Nang magsimulang dumating ang mga bakuna kontra COVID-19 sa bansa, kani-kanyang diskarte na ang nasyunal at mga lokal na pamahalaan upang matiyak na mababakunahan ang mamamayan.


Kani-kanyang kilos ang mga ito para makapagtayo ng vaccination center at makakuha ng doses ng bakuna, ngunit paano naman kung handa nga ang vaccination center, pero hindi naman makatodo sa vaccination drive dahil kulang pa rin ang suplay ng bakuna?


Ito ang hamon para sa ilang local government units (LGUs) kaya naman, umaapela ang mga ito na bilisan ang pamamahagi ng mga bagong dating na COVID-19 vaccine para maituloy ang naantalang pagbabakuna sa mga residente.


Ngunit para sa Department of Health (DOH), mas mabuting magdagdag na ngayon ng tauhan bilang paghahanda sa mga paparating na bakuna.


Matatandaang, inaasahan ng ahensiya ang pagdating ng dagdag na doses ng Sinovac, Sputnik V at Pfizer bago matapos ang Abril, habang sa Mayo o Hunyo, posibleng dumating ang dadag na bakuna mula COVAX Facility.


Kaya pakiusap sa pamahalaan, ‘wag nang patagalin pa ang pamamahagi ng parating na mga bakuna dahil sa totoo lang, habang tumatagal ang araw na walang suplay, maraming nasasayang.

Tulad nito, nakahanda ang mga magbabakuna, ngunit nakatengga lamang sa ilang vaccination center dahil walang suplay.


Gayunman, habang naghihintay sa parating na bakuna, panawagan natin sa mga lokal na pamahalaan, paigtingin pa ang information drive tungkol COVID-19 vaccine nang sa gayun ay mas marami pang mamamayan ang mahikayat na magpaturok.


Kung bakuna ang may malaking maitutulong upang maiwasan ang hawaan at matigil ang pandemya, kailangan natin ang kooperasyon ng bawat isa.


Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page