Uzbekistan at Netherlands, pinakapos sina Tsukii at Lim
ni Gerard Arce - @Sports | November 19, 2021

Bahagyang kinapos ang mga pambato ng Karate Pilipinas Sports Federation Inc. na sina 2019 Southeast Asian Games gold medalists Junaa Tsukii at Jamie Lim sa isinasagawang World Karate Federation (WKF) Senior World Championships sa Hamdan Arena sa Dubai, UAE.
Hindi pinalad ang World No.2 at Filipina-Japanese na nakausad sa sumunod na rounds matapos yumuko sa second round kontra kay Bakhriniso Babaeva ng Uzbekistan sa iskor na 3-2. Naunang dinaig ng 30-anyos na Pasay-born karateka si Sara Radicevska ng North Macedonia sa 1st round, habang sumadsad si Babaeva kay Cylia Ouikene ng Algeria sa Round 4, kaya’t hindi na ito nahatak patungong repechage sa female under-50kgs category.
“Junna maybe it wasn’t her day because she was doing well but just everything didn’t go to her favor. We have no excuses for that, but we will learn from her experience,” pahayag ni KPSFI chief Richard Lim sa mensahe nito sa Bulgar Sports.
Kinapos si Jamie Lim na makakuha ng medalya sa karate competition matapos tumabla sa 1-1 kay Lynn Snel ng The Netherlands sa repechage na mapagdesisyunan ng mga hurado sa 3-2 sa female under-61kgs division.
Naging matagumpay ang simula ng 24-anyos na anak ni PBA legend na si Samboy Lim, matapos ang tatlong sunod na panalo kina Alana Kochieva ng Russian Federation, 4-2, Laura Sivert ng France, 4-2 at Sarara Shimada ng Japan sa third round, kinapos sa quarterfinal match ang 24-anyos na anak ni Samboy Lim kay dating World Premier League champion Anita Serogina ng Ukraine sa iskor na 1-2.
Gayunpaman, sa kagandahang palad, dumiretso sa final round ang Ukrainian opponent ni Lim katunggali si 2018 World Champion Jovana Prekovic ng Serbia upang mahatak ito patungong repechage match.





Comments