top of page

Uwian na, mga momshies! MARIAN, PRIMETIME QUEEN NA, TIKTOK QUEEN PA!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 20, 2023
  • 1 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | September 20, 2023


ree

Bukod sa pagiging GMA Primetime Queen, may bago ngayong titulo si Marian Rivera na swak na swak sa kanya.


Si Marian ang may hawak ngayon ng korona bilang "TikTok Queen" dahil sa record na naitala ng kanyang ginawang Tiktok dance videos.


Ang una niyang TikTok dance video ng Price Tag ay nakakuha ng 187 million views! Ang sumunod na TikTok video ay may 123 M views. At ang latest ay nakakuha naman ng 41.7 million views sa loob lang ng isang buwan.


Pero ang pinakaaabangan at inire-request ng lahat ng DongYan fans and supporters ay ang pagko-collab nila ng kanyang mister na si Dingdong Dantes. 'Yun tiyak ang blockbuster at magte-trending nang husto.


Dancer din dati si DD bago naging artista. Miyembro siya noon ng grupong Abstract Dancers na sumikat din nang husto. Kasama noon ni Dingdong sa Abstract si Dino Guevarra na nag-artista rin at naka-love team ni Kim delos Santos.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page