top of page
SPECIAL - MASAKIT… NAAAWA AKO SA PILIPINAS – NADIA-FB Nadia Montenegro.jpg

Utos ng ERC sa Meralco: P9.5B sobrang singil, ibalik sa konsyumer

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 6 hours ago
  • 1 min read

ni Jeff Tumbado @News | August 3, 2026



Utos ng ERC sa Meralco: P9.5B sobrang singil, ibalik sa konsyumer

Photo: File



Mahigit walong milyong consumers ng Manila Electric Company (Meralco) ang makatatanggap ng kabuuang P9.5 bilyong refund matapos iutos ng Energy Regulatory Commission (ERC) na isauli nito ang mga sobrang paniningil o over recoveries.


Ayon sa ERC, ipatutupad ang refund sa loob ng anim na buwan, kung saan makikinabang ang lahat ng customer classes sa average na bawas na P0.3448 kada kilowatt-hour (kWh) sa kanilang singil sa kuryente hanggang sa tuluyang maibalik ang kabuuang halaga.


Mas malaki naman ang matatanggap na refund ng mga residential customers, na aabot sa P0.5861 kada kWh.


Katumbas ito ng humigit-kumulang P117.22 na bawas sa buwanang bayarin ng isang kabahayang kumokonsumo ng 200 kWh kada buwan.


Ipinaliwanag ng ERC na ang refund ay bunga ng isinagawang regulatory review na nagpakitang may sobrang nakolektang distribution charges ang Meralco.


Layunin ng komisyon na maibalik sa mga consumer ang labis na nakolektang halaga at matiyak na ang singil sa kuryente ay nananatiling patas, makatarungan, at naaayon sa umiiral na mga regulasyon.


Para sa higit na transparency, lalabas ang refund bilang hiwalay na item sa buwanang billing statement ng mga kostumer.


Inatasan din ng ERC ang Meralco na magsumite ng regular na ulat hinggil sa pagpapatupad ng refund hanggang sa tuluyang maibalik ang buong P9.5 bilyon sa mga consumer.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page