Principal kulong sa droga

by Jeff Tumbado @News | November 3, 2026

Photo: Arestado ang school principal - PNP Dinagat Islands Police Provincial Office
Kalaboso ang principal ng isang pampublikong paaralan makaraang mahuli sa anti-illegal drug operations sa Brgy. Don Ruben, San Jose, Dinagat Island, kasama ang apat na iba pa.
Kinilala ang principal na si alyas Wel, 56, itinuturing na high-value individual (HVI) ng mga awtoridad.
Nasakote ang mga suspek sa loob ng tahanan ng principal at nasamsam sa mga ito ang ilang pakete ng hinihinalang shabu.
Ikinagulat ng mga residente ang pagkakasangkot umano ng principal sa ilegal na droga dahil dapat ito ang gumagabay para maging drug-free ang kanilang komunidad.
Inihahanda na ang kasong isasampa sa principal kasama ang apat pang naaresto.





Comments