Van vs. motor, 2 todas

by Jeff Tumbado @News | November 3, 2026

Photo: Kinilala ang driver ng van sa alyas Jemark, 30, isang lineman mula sa Minglanilla, Cebu. Circulated
Patay ang dalawang lalaki habang malubhang nasugatan ang dalawang babae matapos salpukin ng Mitsubishi L300 van ang dalawang motorsiklo sa Ginatilan, Cebu, madaling-araw ng Lunes, Nobyembre 2.
Ayon sa pulisya, nangyari ang insidente alas-12:45 ng hatinggabi sa pakurbadang bahagi ng National Highway sa Brgy. Poblacion, matapos umanong sakupin ng mabilis na van ang kabilang linya.
Nasawi sina Jade Bilagantol, 27, at ang angkas nitong si Charley Pace, 35, kapwa residente ng Samboan.
Malubha namang nasugatan sina Jennifer, 37, at Dominga , 35, kapwa residente ng Oslob, na patuloy na ginagamot sa ospital.
Kinilala ang driver ng van sa alyas Jemark, 30, isang lineman mula sa Minglanilla, Cebu.
Nasa kustodiya na ng pulisya ang driver at nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide, physical injuries at damage to property.





Comments