Utol ni Yassi, todo-asang pakakasalan na… JAMES AT ISSA, HIWALAY NA RIN
ni Julie Bonifacio @Winner | November 12, 2023

Hindi pa man natatapos ang taon, sunud-sunod na ang mga balitang hiwalayan among showbiz couples. At ang nakakalokah, mga sikat na celebrity couples ang sangkot.
Unang celebrity couple na nabalitang hiwalay ay sina Kim Chiu at Xian Lim. Nagbigay na ng pahayag si Kim ukol sa balitang hiwalayan nila ni Xian sa thanksgiving mediacon ng Linlang.
Habang si Xian naman ay mga cryptic posts sa kanyang socmed accounts about his personal life lang ang inilabas.
Sumunod na pinagdududahang hiwalay na ay ang mag-asawang Richard Gutierrez at Sarah Labhati. Parehong quiet sina Richard at Sarah sa isyung hiwalayan.
Pangatlong naiisyung hiwalay na rin ay sina Paulo Avelino at Janine Gutierrez, bagama't nagsalita na ang aktres na hindi malamig ang Pasko niya.
Pang-apat na celebrity couple na hiwalay na raw ay ang on-and-off screen love team na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. At ang cause ng hiwalayan diumano ay third party.
Kahapon, may bagong celebrity couple ang pinagpipistahan ng mga netizens sa socmed na nag-break na rin. Walang iba kundi sina James Reid at Issa Pressman, younger sis ni Yassi Pressman.
Napansin agad ng mga Marites sa socmed na in-unfollow na nina James at Issa ang isa’t isa. Iba-iba ang naging reaksiyon ng mga netizens sa balitang pag-unfollow sa isa’t isa ng dalawa.
“Anyareee sa obsessed with each other? Lol!”
“Pati sa Careless account, nag-unfollow na rin si Issa.”
“Ooohh, that didn’t take long.”
May nang-bash kay Issa imbes na magbigay ng simpatya. Kasi feeling nila, si Issa ang dahilan ng hiwalayan ni James at ng "reel and real screen partner" nitong si Nadine Lustre.
“Hahahahhahahahahaha! What goes around comes around.”
“Masyado kasing overwhelmed si girl sa interview 'pag nasa event sila, minsan lang kasi mapansin.”
“Paano na ang obsession nila sa isa’t isa at 'yung TikTok ni gurl na she’ll get engaged before the year ends.”
Ang iba naman, may pagdududa sa pag-unfollow sa socmed ng magkarelasyon.
“Need ng ingay na naman.”
“Basic PR move kasi nilangaw 'yung bagong release song ni angkol.”
“Maniniwala na lang ako sa gimik nila kapag nag-delete na ng mga photos si gurl.”
Habang ang iba ay natutuwa pa sa balitang hiwalayan nina James at Issa.
“Buti naman, hiwalay na sila. Nakakaumay si girl.”
“Promo ba? Pa'no na 'yung 'All I want for Christmas is you' ni ate girl, 'di man lang umabot?”
“Wala namang nag-expect na tatagal sila.”
After nina James at Issa, ang inaantabayanan naman ng mga Marites sa socmed na maghihiwalay ay sina Paolo Contis at Yen Santos dahil daw kay Arra San Agustin.





Comments