Utol ni Yassi, tinawag na ahas… JAMES AT ISSA, HULING MAGKA-HOLDING HANDS SA CONCERT NI HARRY STYLES
- BULGAR
- Mar 18, 2023
- 2 min read
ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | March 18, 2023

May relasyon nga ba si James Reid at ang nakababatang kapatid ni Yassi Pressman na si Issa Pressman?
Ito ang tanong ng mga Marites ngayon dahil sa mga larawang ipinost ni Issa sa kanyang Instagram account, kung saan ay makikitang magkasama sila ni James na nanood ng concert ni Harry Styles na ginanap sa Bulacan.
Ang pinaka-intriguing sa lahat na naging dahilan ng espekulasyon ay ang larawan na magka-holding hands sila. Of course, hindi ito pang-kaibigan lang na holding hands, kaya naman hindi nakapagtatakang isiping item sila lalo pa nga’t noon pa ay na-link na rin naman sila.
Dahil dito ay naba-bash ngayon si Issa ng mga netizens at tinatawag siyang ahas. Feeling kasi ng ibang fans, siya ang dahilan ng breakup nina James at Nadine Lustre.
Pati ang anak ni Ogie Alcasid na si Leila Alcasid na nagkomento lang ng “Cuteee” ay na-bash din at pinaratangang kaibigan ng ahas.
In fairness to Issa, naging maagap siya dahil the next time we checked, burado na ang mga hate comments sa kanya at sa mga kaibigan.
Gayunman, marami namang nagtanggol din kay Issa sa paratang na ahas siya.
“Uy, teka! Issa and Nadine are still friends. Even si Yassi! So this may have happened just recently.
Benefit of the doubt na lang din, mga kapatid. Masaya na rin si Nadine where she is now,” komento ng isang netizen.
“James did not cheat with Issa that time. Maniniwala ako kay M. If they’re together now, so be it.
Pero 'yung una, nope! And manager(?) ni Issa si James,” pagtatanggol pa ng isang IG user.
“Kumalma kayo, hoy, allowed mag-move on ang mga tao,” sey naman ng isa pa.
“So happy for you, Issa. You deserve to be loved, pero sobrang daming ampalaya to be honest, the fact na wala silang magawa kundi mang-bash nang mang-bash nang 'di naman nila alam the whole story. Be happy always. May mga fans mo like me na happy kung anuman 'yung nagpapasaya sa 'yo. Saka to be honest, bagay kayo ni James,” comment ng isang fan ni Issa.
“'Kaloka. Mga inggitera! Bakit ba 'di kayo maka-move on at maging masaya for James like for Nadine? Jinowa lang ang friend, cheater agad?! What an accusation! Saka pa'no n'yo naman nasabing siya ang dahilan ng hiwalayan? Ugh. 'Kaloka kayo,” litanya naman ng isa pang supporter ng kapatid ni Yassi.
Matatandaang bago pa man naghiwalay sina Nadine at James ay nagkaroon na ng tsismis tungkol sa aktor at kay Issa. Hindi nga nagtagal ay umamin na ang dalawa na break na sila.
Kaya kumbaga, si Issa ang huling na-link kay James before his breakup with Nadine, kaya hindi maiwasang maisip ng mga tao na third party ang dalaga.
Matatandaan ding itinanggi ni James ang tsismis tungkol sa kanila ni Issa at humingi ng dispensa sa dalaga, gayundin sa ate nitong si Yassi sa pagkakadawit sa breakup issue.





Comments