Utol ni Yassi ang ipinalit daw kay Nadine… JAMES, SI ISSA PRESSMAN ANG KA-DATE SA CONCERT
ni Julie Bonifacio @Winner | March 16, 2023

Spotted si James Reid sa concert ng international singer na si Harry Styles sa Philippine Arena nu’ng Martes nang gabi. Kasama ni James na nanood ng concert ang matagal nang rumored girlfriend, ang younger sister ni Yassi Pressman na si Issa Pressman.
Si Issa nga raw ang constant date ni James, say ng mga Marites.
Pero ang alam namin, kabilang si Issa sa mga artists ng Careless talent management ni James kung saan kasama rin ang controversial star ngayon na si Liza Soberano.
Umani ng batikos si James mula sa mga netizens dahil sa panonood niya ng concert habang kaliwa’t kanang batikos ang ibinabato kay Liza ngayon.
“Busy ang manager sa social life niya. Lol!”
“Buti pa si James, pa-date-date at attend-attend lang ng concert habang busy sa paglilinis ng kalat 'yung talent niya. Tapos, matic 20% komisyon siya. Perfect!”
“Careless pagdating sa career ni Liza. Damage control can wait. Mag-e-enjoy daw muna siya with his date sa concert ni Harry Styles.”
“James!! Ano na!!! Ano'ng gagawin mo for Liza to protect her?”
Kinukutya rin si James ng mga netizens dahil kay Issa as his constant date.
“Busy sa love life while 'yung talent niya, namomroblema sa career at negang-nega ang image sa 'Pinas. 20% commission and doing nothing, ha, ha, ha!”
“So, tapos na fling nila ni Nancy (ng Momoland)?”
“Ayaw sa love team pero ginagamit si Issa para mapag-usapan siya. Yuck!”
Teka, mas sikat ba si Issa kaysa kay James para mapag-usapan ang ex-real and reel love team ni Nadine Lustre?
Just asking… hehe!





Comments