Utol ni Yassi, ahas daw, ipinagtanggol, Nadine… SIGAW NI JAMES: PINAKAMALIGAYA AKO NGAYON KAY ISSA!
ni Beth Gelena @Bulgary Files | March 19, 2023

Hot topic ngayon sina James Reid at Issa Pressman after nilang manood ng Harry Styles concert nang mag-trending ang kanilang picture na magkasama.
Sa unang pagkakataon ay nagbahagi si Issa ng picture nilang dalawa na magkahawak-kamay pa.
Pati si James, nag-post din ng pictures at video kung saan makikitang kasama niya nga si Issa.
Kahit walang pag-amin, umani ng mga komento ang post ng dalawa.
Matatandaang ipinagtanggol noon ni Yassi Pressman ang nakababatang kapatid nang maugnay kay James at maiturong dahilan umano ng hiwalayan ng aktor at ni Nadine Lustre na BFF pa naman ni Yassi.
Marami rin sa mga JaDine fans ang nag-react sa pag-post ni Issa ng picture nila ni James na magkasama at holding hands pa.
Samantala, dahil sa isyu nila ngayon, marami ang namba-bash kay Issa na babaeng-ahas daw, dahil magkaibigan nga rin sila ni Nadine.
Agad namang ipinagtanggol ng Fil-Am actor ang sister ni Yassi.
Ani James, hindi niya ugali na makisali sa hate culture ngunit kailangan din daw niyang magsalita.
Aniya, "I'm only gonna say this once. The past rumors about Issa are just that, rumors.
"I usually NEVER address bashers or get involved in hate culture but I feel the need to speak up now because this is the start of something beautiful. And I'm not gonna let anyone take that from me.
"All you need to know from me is that I'm the happiest I've ever been."
Ayan, mga ka-BULGARY, ano ang masasabi ninyo sa pagtatanggol ni James kay Issa? May relasyon nga ba sila o wala?





Comments