Sa edad na 21… JILLIAN, UMAMING NAKATIKIM NA NG FIRST KISS, NALASING NA RIN

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | November 7, 2026

Photo: IG _jillian
Ibinulgar ng Kapuso actress na si Jillian Ward nang mag-guest siya sa Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA) na naranasan na niya ang first kiss.
Sa panayam, napag-usapan kasi ang kanyang struggle na makawala sa child star image sa mata ng madlang people, pati na rin ang kanyang karanasan sa pagkalasing.
Tanong ng King of Talk na si Boy Abunda, “Naka-experience na ng first kiss?”
“Pass. Pass? Twenty-one na po ako. Hahaha!” nakangiting sagot ni Jillian.
Sa pangalawang pagkakataon, muling tinanong ni Boy ang aktres.
“Naka-experience ka na ng first kiss, guilty or not guilty? ‘Di ko kasi narinig ang sagot mo,” tanong ni Boy.
“Guilty,” nakangiting sagot ni Jillian.
“Na-experience nang malasing, guilty or not guilty?” tanong ni Boy.
“Guilty,” mabilis na sagot ng aktres.
Napag-usapan din ang tungkol sa pagiging child star ni Jillian at kung hanggang ngayon ay nahihirapan pa rin ba siyang makawala sa image bilang baby girl.
“Yes po. Kumbaga lagi pong nagugulat pa rin ang mga tao. Kunwari magpo-post po ako, parang nagugulat po sila. Hala, 21 na po ako! Kunwari po, eto, naka-skirt ako, akala po nila, ‘Minor pa s’ya, ba’t ganyan ang suot n’ya?’ May ganu’n pa rin po.
“Pero 21 na po ako, guys. Sa mata po nila, sa isip nila, baby pa rin ako. Pero super na-appreciate ko ‘yun kasi kumbaga, ipinapakita nila na from baby ako, talagang love na love nila ‘ko. And they are just looking out for me. Kumbaga protective po kasi sila sa ‘kin,” sagot ni Jillian.
Nang tanungin naman tungkol sa karanasan sa pagkalasing, inamin ni Jillian na nakainom na siya ng Sangria (wine) kasama ang kanyang mga kaibigan.
“Yes po, Tito Boy. Uminom po ako ng Sangria with my girl friends. One or two glasses lang po of Sangria, wala na po. Tapos ‘pag lasing po ako, super-funny po ako. Like dire-diretso po ako magsalita,” kuwento niya.
Well, in fairness, 21 na nga si Jillian at napakabuting anak pa. Beauty and brains talaga.
NAGBAHAGI ng mga larawan ang aktres na si Angelica Panganiban sa kanyang Instagram (IG) post kung saan makikita siyang kasama ang asawa niyang si Gregg Homan at ang kanilang anak habang nagbabakasyon sa Japan para ipagdiwang ang kanyang ika-40 kaarawan.
Ani Angelica, “Best way to be 40. If forty feels like this, I’m ready for it.”
Mabilis namang nagpaabot ng birthday greetings ang mga fans ng aktres sa comment section ng kanyang post.
“Cheers to good health and happiness. Happy birthday! (heart emojis),” komento ng isang fan.
“The best is yet to come!” saad naman ng isa pang netizen.
Samantala, sa isang interview ni Angge kay Karen Davila, nag-open up ito tungkol sa kanyang journey bilang isang ina at ipinahayag ang kanyang desire na maging ‘bestest friend’ ng anak na si Amila.
“Gusto ko s’yang lumaki na ako ‘yung best friend n’ya, na ‘pag may problema, ako lang lagi ‘yung tatawagan n’ya. I want her to feel safe with me. Of course, gusto ko s’yang magkaroon ng sobrang daming kaibigan dahil ngayon mag-isa pa lang s’yang anak ko. ‘Di natin alam kung ano pa ang mangyayari in the future,” sey ni Angge.
Dagdag pa niya, “Kung magiging only daughter ko s’ya, I want her to have all the friends in the world para ‘di n’ya maramdaman ‘yung pagiging mag-isa n’ya. Pero bukod du’n, gusto ko na ako ‘yung bestest friend n’ya.”
Happy 40th birthday, Angelica. More love, happiness and blessings.
HATID ng ABS-CBN sa mga batang manonood ang iba’t ibang animated series mula sa LEGO, tampok ang mga kuwento ng ninja, dinosaur, at superhero na mapapanood sa ALLTV2, A2Z, at Kapamilya Channel simula ngayong Nobyembre 7.
Unang mapapanood ng mga viewers ang LEGO City Adventures na umiikot sa buhay ng mga residente ng LEGO City, kabilang ang isang masigasig na pulis, isang mabilis mag-isip na hepe ng bumbero, at iba pang manggagawa sa komunidad.
Sa pagtupad nila sa kanilang mga tungkulin at pagsisikap na mapanatiling maayos ang lungsod, mapapasabak sila sa iba’t ibang hindi inaasahang sitwasyon at nakatatawang pakikipagsapalaran.
Kasama rin sa lineup ang LEGO Ninjago Dragons Rising, Ninjago Spinjitzu, LEGO Jurassic World: Legend of Isla Nublar, at LEGO Star Wars: Droid Tales at marami pang iba.
Mas pinalawak ng nasabing LEGO lineup ang mga animated series na hatid ng ABS-CBN, kabilang ang Tagalog-dubbed na Crayon Shin-Chan, na napapanood sa ABS-CBN sa ALLTV2, A2Z, Kapamilya Channel, at iWant.
Mapapanood ang LEGO City Adventures simula Nobyembre 7 sa ABS-CBN sa ALLTV2, A2Z, at Kapamilya Channel.
‘Yun lang, and I thank you.





Comments