top of page
FRANKLY - PIKTYUR NI JENNYLYN NA BUGBOG-SARADO, GINAMIT NA PROPS SA PARTY, DENNIS GALIT NA

Magalang at disente raw… BF NI ANDREA, PASADO KINA DRA. BELO AT HAYDEN

Writer: BULGAR
BULGAR
59 minutes ago
3 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | November 7, 2026



TEKA NGA - BF NI ANDREA, PASADO KINA DRA. BELO AT HAYDEN_IG _dochayden

Photo: IG _dochayden



Pormal nang ipinakilala ni Andrea Brillantes sa kanyang guardian/non-biological parents na sina Dra. Vicki Belo at Hayden Kho ang kanyang boyfriend na si Franchesko Juan Capistrano o kilalang Pankie na taga-Lucban, Quezon.


Isang basketball player at nakapaglaro na sa Enderun Young Titans, JRU Light Bombers at San Juan Knights sa MPBL (Maharlika Pilipinas Basketball League) si Pankie. 


Bilang mga guardians ni Blythe, inaalam nina Dra. Vicki at Hayden kung ano ang kaganapan sa love life ng young actress, kaya need nilang makilala at kilatisin ang BF ngayon ng aktres para aprubahan ito. 


So far, sa sandaling pagkikita at pag-uusap pa lang ay pumasa na sa kanila si Pankie. Kahit na first time lang nilang ma-meet ang basketball player ay naramdaman nila ang sinseridad nito. 


Magalang at disente, at mukhang seryoso ang layunin ni Pankie kay Andrea.

Well, hopefully ay natagpuan na nga ng aktres ang kanyang the one at true love.





Pakiusap ng pamilya…

ATE GAY, BAWAL KUNAN NG PHOTO AT VIDEO



PAYAPANG yumao ang stand-up comedian na si Ate Gay (Gil Aducal Morales) noong araw mismo ng Undas, November 1.


Natupad ang kanyang kahilingan na magkaroon siya ng living funeral bago siya pumanaw. Ginanap ito sa Forest Lake Memorial Parks sa Biñan, Laguna noong October 15. 


Dinaluhan ito ng kanyang mga kaibigang stand-up comedians at iba pang kasamahan sa trabaho. Nagkaroon ng eulogy at isa-isang nag-share ng kanilang happy memories ang mga kaibigang comedians ni Ate Gay. At ilang linggo lang ang lumipas ay tuluyan na itong pumanaw.


Base sa kuwento ni Ate Gay noong siya ay nagpapagamot pa lang ng kanyang cancer, maraming celebrities ang tumulong sa kanya. Isa na rito si Heart Evangelista na nag-offer pa na ipagamot siya sa Singapore. At habang nasa ospital siya ay nagpapadala pa ito sa kanya ng panggastos at pambili ng gamot.


Maging si Allan K. ay tumulong din. Dumalaw ito sa burol ni Ate Gay sa Forest Lake.


Marami ang nakiramay sa pamilya ng komedyante, pero nakiusap ang mga kaanak nito na bawal kunan ng larawan at video ang mukha ni Ate Gay na nasa loob ng kabaong.


Nakisama naman ang lahat.





BUMUBUHOS ngayon ang maraming biyaya sa pamilya ng yumaong student basketball player na si Rene Baterbonia, kaya nasisilip ito ng ilang mainggiting netizens.


Naging sentro ng pamba-bash ang ina ni Rene na si Rovelyn. Puro branded na kasi ang kanyang mga damit at kuntodo alahas na rin. Pati na ang pagpapaayos ng kanyang mga ngipin ay pinapansin na rin.


Kahit na nga sabihin pang sponsor lang ito at hindi siya gumastos, bawat kilos ng Baterbonia family ay nakikita ng mga bashers. At ngayon, pati ang pagkuha kay Rovelyn bilang endorser ng isang malaking produkto ay meron pa ring pumupuna.

Gamit na gamit daw ng pamilyang Baterbonia si Rene.


Ganunpaman, naninindigan ang ina nito na hindi sila nanghihingi sa mga fans ni Bobet.

Kusang ibinibigay ito sa kanila bilang tulong sa pagpapatayo ng museo, ganoon din sa gym at basketball court sa Talacogon, Agusan del Sur para gamitin ng mga batang nangangarap sumikat bilang basketbolista.





MARAMING viewers ng Pepito Manaloto (PM) ang nagtatanong kung bakit wala raw naging GF si Chito (Jake Vargas) sa tagal ng kanyang pagiging bahagi ng sitcom. 


Mabuti pa raw si Clarissa (Angel Satsumi), maraming manliligaw at nagka-crush na.


Ang akala noon ng mga viewers ng PM ay si Julie Anne San Jose ang love interest ni Chito, pero dahil masyadong abala ang singer-aktres sa kanyang mga shows, hindi siya naging regular sa comedy-drama serye. 


Nagkaroon na lang ng iba’t ibang guest artists na inirereto kay Chito. 

Pero dahil nasa edad na ito upang magkaroon ng love life, matutuwa ang mga viewers ng PM dahil finally ay natagpuan na niya ang kanyang the one.


Sa wakas, may madaragdag na sa pamilyang Manaloto. At tanggap nina Elsa (Manilyn Reynes) at Pepito (Michael V.) ang GF ngayon ni Chito.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page