top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Utol, nganga, 'di makabalik… VIN, TAOB SI ALJUR, PASOK SA SERYE NG GMA-7

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 8, 2022
1 min read

ni Nitz Miralles - @Bida | December 8, 2022



Ipinakilala na ang major cast ng Urduja’s Jewels na tama ang fans, si Glaiza de Castro na lang ang kulang at kumpleto na ang cast ng Encantadia.


Magkakasama kasi sa Urduja’s Jewels na tinawag na mega serye ng GMA-7 sina Sanya Lopez, Gabbi Garcia at Kylie Padilla na magkakasama rin sa Encantadia.


Kumpirmado na ring kasama sina Arra San Agustin, Michelle Dee at Rochelle Pangilinan.


Kabilang naman sa male cast sina Kristoffer Martin, Jeric Gonzales, Vin Abrenica at Zoren Legaspi.


Excited ang Kapuso fans kay Vin dahil sigurado raw na mas mahaba ang exposure niya rito kesa sa Lolong kung saan siya nag-guest. Ipinakilala na rin si Jorron Lee Monroy bilang director nito.


May mga naiintriga ngang mas mabuti pa si Vin at may project sa GMA-7, samantalang ang kapatid na si Aljur Abrenica na original Kapuso talent, wala na sa network.


Nagsimula nang mag-training si Vin na kasama ni Kylie at kinakitaan sila ng husay sa mga galaw.


Marami naman ang nagko-congratulate kay Jeric dahil pagkatapos ng Start-Up PH, may kasunod na siyang project for next year at malaki ring teleserye. Hindi pa nga lang nasasabi kung ano ang respective role ng cast. Pero, tiwala ang mga fans na gaya sa Start-Up PH, makikipagsabayan si Jeric sa acting ng ibang cast.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page