top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Utol ng senadora, naging BF… KAREN, NAG-APPLY SA SHOW NI LOREN, TINANGGIHAN

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 4, 2022
2 min read

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | November 4, 2022



Malaman, very interesting at maraming rebelasyon ang one-on-one interview ni Korina Sanchez kay Karen Davila.


Itinampok ito ni Korina sa kanyang show sa NET25, ang Korina Interviews. Marami ang nagsasabing malaking achievement ito para kay Korina dahil si Karen Davila ang sinasabi noon na mahigpit niyang kakumpitensiya bilang newscaster sa ABS-CBN.


Sila ang madalas na pinagtatapat at pinagsasabong noon. Kaya sino ang mag-aakala na darating ang pagkakataon na sila ay magkakaharap at magkakaroon ng malalimang interview at masasagot na ang maraming katanungan tungkol sa iba't ibang issues sa kanilang pagitan?


Pareho palang lumaki sa Merville Subdivision sa Parañaque sina Korina at Karen. Kilala ni Karen ang kapatid na lalaki ni Korina. Aminado si Karen na hinangaan niya ang husay ni Korina bilang news anchor. Pinanonood niya noon ang mga shows ni Korina sa ABS-CBN. At hindi niya ine-expect na siya ang papalit kay Korina sa programang TV Patrol.


Isa pa sa mga nai-share ni Karen Davila ay ang pagsisimula niya sa kanyang career sa television.


Nag-apply siya noon sa GMA Network para sa kanilang business program. Six years siyang naging bahagi ng GMA-7 mula 1994 hanggang 2000.


Isa ring rebelasyon para sa mga nakapanood ng interview ni Karen Davila nang aminin niyang naging BF niya ang kapatid ni Sen. Loren Legarda. Muntik na raw silang naging mag-hipag!


Isa si Loren sa mga pambatong news anchors ng ABS-CBN noon. Nag-apply daw si Karen kay Loren upang maging staff sa show nito sa Dos pero tinanggihan siya dahil BF niya ang kapatid nito.


Naging mabilis ang pag-akyat ni Karen Davila upang mapabilang sa hanay ng magagaling na news anchors. Gumawa rin siya ng ilang documentaries at maraming awards na nakamit. Naging TOYM (The Outstanding Young Men) awardee rin siya.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page