top of page
TEKA NGA - SEN. ROBIN, NANINIWALANG ‘DI NA KAILANGAN NI DANIEL NG KA-LOVE TEAM-IG _robinpa

Utol ng rumored BF, naka-bonding… KATHRYN, TANGGAP NA NG PAMILYA NI MAYOR MARK

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 30
  • 3 min read

ni Nitz Miralles @Bida | May 29, 2026



Kathryn Bernardo at Mark Alcala - Circulated - IG

Photo: Kathryn Bernardo at Mark Alcala - Circulated - IG



Malapit na siguro nating makita si Lucena City Mayor Mark Alcala kasama ang mga magulang ng aktres na si Kathryn Bernardo o si Kathryn na kasama naman ang mga parents ni Mark. 


Sa ngayon, makuntento muna tayo na makita ang aktres kasama si Mayor Mark, pinsan nito, at nitong huli, ang sister ni Mark na si Dawn.


Nag-bonding sina Kathryn at Dawn sa hindi binanggit na lugar at dahil sa tuwa ng mga MarkKath shippers, nauna na sila sa pagsasabing ‘bonding ng mag-future sister-in-law’ ‘yun. 


Hindi lang daw si Dawn ang maganda ang pakikitungo kay Kathryn, kundi pati ang buong pamilya ni Mark. 


Kaya nga ang wish ng mga fans ay may lumabas na photos o video na magkasama si Kathryn at ang Alcala family, at si Mark kasama ang Bernardo family.

Comment ng mga fans, mabilis daw na nagkasundo sina Kathryn at Dawn dahil pareho silang sporty. 


In fairness, naging mabait din naman ang mga siblings ni Daniel Padilla kay Kathryn noon, hindi lang talaga sila itinadhana, kaya sana, matanggap na ng mga in denial na fans na wala na sila at may iba nang minamahal.


Tuloy pa rin kasi ang puksaan ng mga fans at pati sina Mayor Mark Alcala at Kaila Estrada na girlfriend ni Daniel ay nadadamay. 


Maging masaya na lang sana ang mga fans na maligaya na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa bago nilang pag-ibig.





NAG-REACT ang aktres na si Klea Pineda sa pagre-report sa Facebook (FB) ng pagpo-post ng rape threat sa kanya. 


Ipinost ni Klea ang comment na: “Dapat sa ‘yo inire-rape, eh. Kaso pati rapist, aayaw sa asim mo.”


Ipinost ito ni Klea pati ang sagot niya sa nagbanta ng rape, “I’m already used to criticism being thrown at me at this point, but some people are getting way too comfortable with their words. Nobody deserves to be on the receiving end of jokes like this.”


Kaya lang, kinol-out si Klea ng FB at ang sabi, “We have removed your piece of content from Facebook,” kasunod ang message na, “We are unable to show content that goes against our Community Standards on sexual exploitation of adults.” 


Sinundan pa ng “Your appeal was reviewed and your piece of content does not follow our Community Standards for sexual exploitation of adults.”


Sumagot si Klea ng “Have you really run out of things to do that reporting my Facebook post was the best thing you could come up with? It was posted to spread awareness, not to normalize rape jokes. Ang lala.”


Nag-issue naman ng official statement ang Sparkle GMA Artist Center at kinondena ang hate comment at pagbabanta ng rape sa kanilang talent.


“Sparkle stands with Klea Pineda in the face of unacceptable threats. Such hateful messages only serve to perpetuate fear and discrimination. We continue to advocate for respect and kindness for all,” mensahe ng Sparkle GMA Artist Center.





ANG suwerte ng mga RabGel fans nina Rabin Angeles at Angela Muji dahil sunud-sunod ang mga projects ng dalawa. Hindi na kailangan ng mga fans na mag-request ng project sa Viva dahil kusa nang ibinibigay. 


Wala ring pinagseselosan ang mga fans na ibang nali-link kina Rabin at Angela kaya maayos ang takbo ng love team.


Tingnan n’yo naman, hindi pa tapos ang streaming sa Viva One ng anthology ng RabGel, may bago na silang project. Sina Rabin at Angela pa rin ang bida sa Dating Alys Perez (DAP) at makakasama na nila si Zeke Polina. 


Mabilis na tinanggap ng mga fans si Zeke kapalit ni Dylan Menor na kinailangang mag-beg-off sa series dahil sa conflict of schedule.


Malapit na ang streaming ng Dating Alys Perez sa direction ni Crisanto Aquino. Masaya si Direk Crisanto dahil magagaling ang kanyang cast. 


Kahit mas mature characters na ang ginampanan nina Rabin, Angela at Zeke, maayos pa rin nilang nagawa ang mga eksena.


Looking forward na ang RabGel fans na muling mapanood sina Rabin at Angela na tampok din sa Seducing Drake Palma (SDP) na nagpakilig sa kanila. 


Mula pa rin sa panulat ni Ariesa Domingo o Beeyotch, muli kayong pakikiligin ng RabGel love team.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page